Una sa Balita

Perfect na mag-ina sa teleserye: Sexy actress at veteran sexy actress patigasan ng mukha

By
0 2,099

Naku naaliw-aliw ako sa pakikipagtsikahan sa isang stylist nang dumalaw ako sa isang shooting, huh! Hindi kasi ang tungkol sa pelikulang ‘yon ang topic ng kuwento ni stylist, kundi tungkol sa isang on-going TV series ang ikinukuwento niya sa akin.

Pero wala namang kapalpakan sa set ng TV series na ‘yon, ang sabi lang niya, perfect ang casting ng dalawang character sa show na ‘yon.

Bagay na bagay raw kasing mag-ina ang isang sexy actress na produkto ng isang artista-search show at tumalon-talon sa magkakaibang TV networks at ‘yung veteran sexy actress na gumaganap na nanay niya sa show na ‘yon!

Abante Hiring – IT dep

“Parehong hindi gumagalaw ang mukha nila! Parang iisa ang facial expression nilang dalawa dahil pareho nga silang produkto ng ‘Salamat po, Doc!’ Hahaha! ‘Di, perfect na perfect ang casting at sila ang ginawang mag-ina!

“Si (pangalan ni veteran sexy actress), kitang-kita naman na enjoy na enjoy siya sa pagpapa-botox at hindi naman yata niya idine-deny. Pati lips niya, obvious na may ipinagawa siya.

“Eh, ‘yung anak niya rin naman sa show, madalas mabago ang hitsura ng mukha, ‘di ba? May mga pagkakataon nga na hindi siya mamukhaan ng iba dahil ilang beses na rin naman siyang may ipinagawa sa mukha niya.

“Obvious na obvious. Kaya perfect casting talaga sila bilang mag-ina. I love it! Ang galing-galing! Tugmang-tugma sila. Kapag panonoorin mo ang mga eksena nila sa show, mag-inang-mag-ina nga ang dating nila. Ang titigas ng mukha! Hahaha!” tatawa-tawang kuwento sa akin ni stylist.

Hindi nga ako maka-get-over sa kuwento ni stylist, kaya noong isang gabi na nasa bahay ako, ay pinanood ko talaga ang serye na ‘yon, aba, magkamukha na nga sila dahil obvious na parehong may mga ginawa sa mukha nila at ang lips nila, aba, bongga, halos pareho rin, huh!

Pero desisyon naman nila ang mga bagay na ipinagawa nila sa kanilang mga mukha, kaya hayaan na natin sila at mukhang pareho naman silang enjoy, ‘noh?

Renz mahusay magpakabading

Naku, hindi pa basta natapos ang pagiging closet gay ni Renz Fernandez sa The One That Got Away dahil ngayon, in love na pala ang character niya kay Dennis Trillo.

In fairness, magaling gumanap na bading ang anak ni Lorina Tolentino at Rudy Fernandez (SLN).

Marami nga ang bumilib kay Renz na okey lang na gumanap na bading kahit na action star ang yumaong tatay niya.

And in fairness to Renz naman, like his parents, aba, magaling siyang umarte!

Pero hindi kaya ma-typecast sa mga bading na role si Renz?

Baka after ng The One That Got Away, bading na naman ang maibigay na role sa kanya ng GMA 7, huh!

Anyway, sabi sa akin ng mga taga-The One That Got Away, may twist daw sa istorya nila at si Lovi Poe pa ang makakaaway ni Renz sa show. Kung bakit, ‘yon ang surprise raw.