Una sa Balita

Perez week best ng Commish Cup

0 226

KANYA-KANYANG pasiklab ang mga rookie sa 2019 PBA season.

Isang linggo matapos ipamalas ni Bobby Ray Parks, Jr. ang impresibong unang laro sa liga, nagpakita din ng kanyang matinding kakayahan si CJ Perez sa pagtatala nito ng bagong career-high na 39 puntos sa pagtulak sa Columbian Dyip sa breakthrough win ng koponan sa Commissioner’s Cup.

Ang 2019 top rookie pick na si Perez ay nag-init sa Mall of Asia Arena sa pagtatala ng 7-of-8 sa three-point range tungo sa 120-105 panalo ng Columbian kontra sa NLEX.

Nagtala din si Perez ng 15-of-21 sa field at may siyam na rebounds, tatlong assists, tatlong steals, at isa lamang na turnover sa 35 minutong paglalaro upang tulungan ang Dyip na makatuntong sa win column matapos na mabigo sa kanilang unang tatlong laro.

Ang itinala ni Perez na career-best ang nagtulak dito para maging hands down choice bilang PBA Press Corps-Cignal Pla-yer of the Week para sa Mayo 29 hanggang Hunyo 2.

Ang 25-anyos na si Perez ang ikalawang sunod na rookie na nagawang magwagi sa weekly honor kasunod ni Parks, na nakamit ang karangalan sa unang linggo ng mid-season conference. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy