Una sa Balita

Perez, Tautuaa naiwan sa 3×3

0 379

NABUWAG ang Gilas Pilipinas team na sumikwat ng gold medal sa SEA Games noong December, hindi na ang all-pro squad ang isasabak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa Olympic qualifying.

Kahapon ay inihayag ni SBP President Al Panlilio ang final four na isasagupa sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa India sa susunod na buwan.

Ang tandem nina CJ Perez at Mo Tautuaa na lang ang naiwan mula sa SEAG squad, nawala sina Chris Newsome at Jason Perkins.

Makakasama nina Perez at Tautuaa sina Joshua Eugene Munzon at Alvin Pasaol.
Sina Serbian coach Stefan Stojajic at conditioning coach Darko Krsman ang nangangasiwa sa day-to-day training program ng squad.

Ang apat ay nirekomenda ng SBP selection committee nina Exe­cutive Director Sonny ­Barrios, coaches Jong Uichico, Pat Aquino, Ronnie Magsanoc at Eric Alta­mirano.

Tatakbo ng March 18-22 ang OQT sa Bengaluru.

Umabot sa 20 teams ang kumpirmadong magpapartisipa – apat na pools ng tig-limang koponan. Top 2 teams ng bawat pool ang aabante sa playoffs, at ang Top 3 ay magku-qualify sa Tokyo Games sa July. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More