Una sa Balita

Perez sobrang gigil pero garahe ng Dyip

0 232

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30pm — Alaska vs. Columbian
7:00pm — NorthPort vs. Rain or Shine

PAGKATAPOS ng kampanya para sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup, gigil nang maglaro muli sa PBA si CJ Perez.

Bokya sa limang laro sa torneo ang Gilas at tumapos na kulelat sa 32 teams, pero isa sa rebelasyon sa China joust ang top rookie ng Columbian Dyip, sa kanyang World Cup debut ay nakipagsabayan sa mga mas beterano.

Pagbalik mula China ay iginarahe muna ng Dyip si Perez para makapahinga.

“We gave him some days off,” ani coach Johnedel Cardel. “But he’s been practicing with us for a week now.”

Ngayon ay mas sasandalan pa ng Dyip si Perez sa kampanya naman sa PBA.

“Tumaas lalo ang kompiyansa at gigil nang maglaro ulit sa PBA,” dagdag ng coach.

Mamaya ay uumpisahan ng Dyip ang bakbakan ng season-ending Governors Cup laban sa Alaska sa first game sa MOA Arena.

May bagong dagdag na piyesa ang Columbian kina Juami Tiongson, Lervin Flores at Joseph Gabayni.

Nagkaroon ng isa pang lehitimong point guard ang Dyip kay Tiongson na makakatuwang ni JP Calvo. Habang nagre-recover mula knee injury si Jackson Corpuz ay sina Flores at Gabayni muna ang tatao sa frontcourt.

Bago sa liga ang import ng Dyip na si Khapri Aliston. matatasahan agad sa newcomer din ng Aces na si Justin Watts. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy