Una sa Balita

Perez reresbakan si Parks

0 278

ISA sa inaabangang sidelight sa bakbakan ng Columbian Dyip at Blackwater sa MOA Arena mamaya ang tapatan nina top rookies CJ Perez at Bobby Ray Parks.

Sa una nilang matchup sa PBA noong May 26, tinalo ng Elite ang Dyip 118-110.

Nagsumite ng 23 points, 5 rebounds at 5 assists si Parks noon para giyahan ang Blackwater.

May 17 points at 7 rebounds naman noon si Perez.

No. 1 overall pick ng Columbian si Perez noong nakaraang draft, No. 2 ng Blackwater si Parks.

Sa tatlong laro sa season-ending conference, naga-average si Parks ng 29.3 points, 3.3 rebounds at 3.3 assists.

Naglalaro ang stats line ni Perez sa 24.75 points, 10.25 rebounds, 3.5 assists at 2.25 steals. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy