Una sa Balita

Perez Player of the Month

0 311

PATAPOS na ang ­season, pero ‘di nauubusan ang tangke ni CJ Perez.

Maangas pa rin ang No. 1 overall pick ng Columbian sa buwang ito, ginigiyahan ang kampanya ng Dyip para humabol sa playoffs ng PBA Governors Cup.

Sa pitong laro nitong Oktubre, nag-average ang 25-anyos na guard mula Lyceum ng 23.6 points, 7.9 rebounds, 3.6 assists at 2.4 steals para itulak sa 3-4 ­record ang Dyip.

Sa pambihirang ­ka­yod sa magkabilang dulo ng court, naging unanimous choice si Perez bilang PBA Press Corps Rookie of the Month.

Naungusan ni Perez sa monthly citation ang teammate niya sa Gilas Pilipinas na si Robert Bolick ng NorthPort at si Bobby Ray Parks Jr. na noong nakaraang buwan ay nasa Blackwater pa. No. 2 pick ng Elite si Parks na ­nai-trade na sa TNT.

Buwan ng ­Setyembre nangampanya sa FIBA World Cup sina Perez at Bolick, hindi nawala ang angas pagbalik ng PBA.

Pero inabot ng ACL tear si Bolick at ­natapos ang kanyang season. Nag-average ang No. 3 pick ng NorthPort ng 12.6 points, 5.6 ­rebounds at 6.6 assists sa limang laro ng Batang Pier na 2-3 sa span.

Nagposte si Parks ng 16.3 points, 5.6 rebounds at 3.3 assists sa 2-5 record ng Blackwater sa nagdaang buwan. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy