Una sa Balita

Perez o Parks, sino ang top pick?

By
0 293

Sino kaya ang tatanghaling top overall pick sa idaraos na PBA Draft ngayong araw sa Robin­son’s Place-Manila.
Ang Lyceum of the Philippines stalwart na si CJ Perez o ang UAAP MVP na si Bobby Ray Parks ng National University kaya?

Batay sa umuugong na balita noon pang Nobyembre habang nasa kasagsagan ang NCAA championship, nagparamdam na si Columbian coach Jonnedel Cardel na si Perez ang kanilang top pick.

Ang CD ang may-ari ng top pick, kasunod ang Blackwater, NorthPorth, Phoenix at Rain or Shine na nakuha mula sa Talk ‘N Text.

Kung talagang desi­dido na nga ang Columbian Dyip kay Perez,­ baka hindi rin kunin ng Blackwater si Parks dahil inaasinta umano nito si Robert Bollick ng San Beda.

Tila gagamitin ng Elite si Bollick na pain (bait) para makabingwit­ ng mahusay at beteranong player sa ibang team. Inaasinta yata ng Blackwater si Terrence Romeo.

Kaya malamang na sa NorthPort mapunta ang 25-year na si Parks na dapat ay nagpa-­draft­ na tatlong taon na ang nakalilipas.

Hindi muna nag-pro si Parks dahil sa pangarap nito na makapaglaro sa NBA, pero hanggang NBA D-League lamang ang kanyang narating.

Bigo siyang nagbalik sa bansa at isinuot ang uniporme ng Alab Pilipinas sa ABL at kasalukuyang naglalaro sa Mandaluyong sa MPBL.

Ang Rain or Shine, mukhang pagpipilian sina Javee Mocon ng San Beda at Vince Tolentino ng Ateneo.

Ang Phoenix? Tila ang Fil-am na si Abu Tratter ang inaasinta. Kung mangyayari ito, muling makakasama sa Fuel Masters ang teammate niya sa La Salle na sina Jayson Perkins at L.A. Revilla.