Una sa Balita

Perez kakatok sa Olympics

0 270

HINDI mapapalampas ni Christian Jaymar “CJ” Perez ang pagkakataon na maabot ang pinapa­ngarap ng lahat ng mga atleta na makatuntong sa isang edisyon ng Olympics.

Ito ay kahit unang taon pa lamang sa propesyonal na liga ay agad na itong nakatuntong sa FIBA World Cup bago naglaro at nakapagwagi ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian sa event na 3×3 nakaraang taon.

Hindi pa nagtatagal ay agad na sasabak ang No. 1 pick ng Columbian Dyip na si Perez sa krusyal na FIBA 3×3 Olympic qualifier na gaganapin sa Bangaluru, ­India.

“Masaya po ako na maire-represent ko ulit ang bansa natin sa international tournament,” sabi ni Perez.

Makakasama ng 6-foot-1 na all-around player na si Perez ang kakampi sa SEA Games at kapwa PBA player na si Moala Tautuaa ng San Miguel Beer at ang dalawang amateur ngunit world ranked sa disiplina na si Joshua Munzon at Alvin Pasaol. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More