Una sa Balita

Perez, Bolick babasag sa Gilas

0 270

KINUMPIRMA ni national coach Yeng Guiao na nagpahayag ng interes na dumalo sa praktis ng Gilas Pilipinas sina rookies CJ Perez ng Columbian Dyip at Robert Bolick ng NorthPort.

Idagdag si Kiefer Ravena na inaasahang magpapakita na rin sa ensayo, dumami ang puwedeng pagpilian sa pool na isasabak sa 2019 FIBA World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Nangayaw na si playmaker Jayson Castro pagkatapos ng halos pitong taon ding serbisyo sa national team, maghahanap ang Gilas ng pantapal sa babakantehin niyang puwesto.

“Sa pagkakaalam ko, nag-indicate na darating si Bolick tsaka si CJ,” ani Guiao pagkatapos ng 100-85 loos ng kanyang NLEX sa Ginebra nitong Linggo sa Batangas.

Kailangan ng Gilas ng dagdag na players para sakaling magkaroon ng injuries sa 12-man lineup ay may nakahandang pamalit agad. Pinunto ng coach ang insidente noon kay Raymond Almazan na nagka-injury sa praktis sa Astana sa Kazakhstan, sa final window ng Asian Qualifiers.

“Of course, I do not discount that they can break into the lineup,” dagdag ni Guiao. “But basically, we’re trying to get extra bodies just in case anything out of our control happens.”

Magandang preparasyon na rin umano kina Bolick at Perez, parehong miyembro ng Gilas 23 for 2023 pool, sakaling mag-desisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na PBA players ang isagupa sa 2019 Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa November-December. (Vladi E­duarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy