Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: “Sobrang hirap talaga…”

By
0 15

Hello, salamat sa mga sulat at feedback na galing sa inyong mga readers. I want to share another letter from a female reader na nasa mahirap na sitwasyon. Kung kayo siya, ano ang iyong gagawin?

Good day to you sir!  

I Praise God for Ang Pera na Hindi Bitin book. I just finished reading it. Ako nga pala si Cathy*, and I’m 23. I am currently living with my partner and we have a beautiful daughter. College pa lang po ako, nakita ko na ang book, the first version. Pero wala pa akong pambili noon kaya binasa ko nalang sya sa loob ng OMF Lit Hehe. Nakuha ko kaagad ang strategies kaya lang hindi ko naapply kaagad. Kasi 1st, nahihiya kami pumunta ng banko at magtanong tungkol sa mutual fund at 2nd, students pa lang kami nun. We don’t have the initial investment at that time.

Yes, highschool pa lng kami ng partner ko ngayon, ay kami na.  Ako yung type na business minded at may mindset ako na ayokong magtrabaho, I wanna be my own boss at magtayo ng sariling negosyo o pumasok sa franchising business. Pero dahil maagang pumasok sa love life, maaga rin dumating ang baby. We had her when we were 21. Now, ang partner ko lang ang nagwo-work as a call center agent. Okay naman ang pay, kaya lang, parang okay lang. Halos wala na kaming ma-save. Kasi sakto lang talaga pang gastos everyday.

Nakatira lng kami sa apartment na pina-uupahan ng kanyang parents, kaya libre kami sa rent.

Pero ang nakakahiya talaga is 1 year plus na kami dito pero ang parents pa rin nya ang nagbabayad ng electric bill namin na umaabot minsan ng 4k!  🙁  

Sobrang nahihiya na talaga ako sa parents nya kasi hindi na nga kami pinapabayad ng upa, sila pa rin nagbabayad ng bills namin.

Kasi itong si partner, palipat-lipat ng call center. Kesyo maliit ang pay, awol. He didn’t like his schedule, awol na naman. ;( kaya ako, super worried kasi may baby na nga kami, may mga vitamins and all tapos ang hirap pa pag nagkasakit si baby. Umaasa parin kami sa mga magulang namin.  🙁

I am so stressed mana­ging our budget right now. Like I wanted to ask about the UITF sa BDO but how about our responsibilities sa magulang nya? Ayaw naman nya ako payagang mag work kasi walang ibang magbabantay kay baby, wala naman akong tiwala ‘pag kukuha kami ng yaya.

Sobrang hirap talaga.

Nag-search ako about working online, kung saan saan na ako napadpad, muntik na akong na biktima ng mga “instant money” sa facebook kaya thank God at wala akong pang invest sa kanila. Sa tingin ko we should follow the strategy number 1, 4 and 5. Ano po sa tingin nyo ang dapat gawin? Thanks po at more power. 🙂

Dear Cathy:

Heto lang ang mapapayo ko sa iyo at sa live-in partner mo. Gawin ninyo ito para sa kinabukasan ng inyong anak.  

#1. Huwag mahiya. Ang laging nahihiya ay laging kulang ang pera. Kung nahihiya kayo magtanong sa bangko o kanino man tungkol sa mga investments, UITF that I suggest in my book, walang mangyayari sa inyo. Siguro nahihiya ka dahil hindi kayo kasal ng partner mo. Heto lang ang masasabi ko. Magpakasal na kayo! Sa civil or church, it’s up to you.

Pero magpakasal na kayo!

#2. Honor your parents and your in-laws. Honor your parents and “all will go well with you” and promise ng Bible. By getting married, you will honor your parents. And then don’t even think of investing sa mga mutual funds etc if your parents or in-laws are still paying your Meralco! Eh, diyan kayo mahiya!

#3. Look at other ways to earn. You said that your mindset is that of a business owner and not an employee. While your husband is working with a call center (at kausapin mo siya at sabihin na ‘wag palipat lipat), explore direct selling. Visit the website of the Direct Selling Association of the Philippines (DSAP) www.dsap.ph and you can choose which direct selling or network marketing company you can earn money with. Talk to your parents-in-law about taking care of your baby while you are out selling and building your business.

Mag-attend ka rin ng mga Go Negosyo seminars organized by the DTI and P. Paki-Google na lang ang information. Madali lang makita. Go Negosyo Mentor Me programs offers mentoring for free to aspiring entrepreneurs.

Related Posts

#4. You should follow all 7 strategies of Pera na Hindi Bitin, and not just choose 3 strategies. Ano ulit ang pitong strategies?

1. Save. Save first before spending.

2. Give. Be generous.

3. Get out of debt and stop borrowing.

4. Live simply.

5. Magsipag, mag-negosyo.

6. Mag-invest.

7. Educate yourself and pray for wisdom.

#5. PUSH! Pray Until Something Happens, ika nga. Keep on praying and read the Bible for the best money advice in the world. There are more than 2,500 passages in the Bible about handling money and possessions. Magbasa! God wants you to live a full life.

Kayo, anong advice ninyo para kay Cathy? Email or message me.

(*Siyempre, pinalitan ko ang pangalan to protect her identity).

***

Sabi ni Jesus, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (Juan 10:10).

Magtiwala ka na sa Panginoon Jesus. Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y makasalanan at kailangan kita. Salamat at binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin. Ngunit nabuhay ka muli at ngayon ay nasa langit ka, kasama ng Diyos Ama. Ako’y naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at panginoon. Salamat, Jesus. Amen”

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, at Ang Pera na Hindi Bitin (updated ed).

Visit or leave message on his FB page: www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto.com or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com

Instagram: @ardyroberto