Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Sagot sa kahirapan?

By
0 10

“Paano makakaahon sa kahirapan ang isang katulad ko?” ang tanong ng isang mangagawa sa kanyang mga amo.

Sabi nila, “Mag-invest ka sa edukasyon mo at ng mga anak mo.”

After they gave her this advice, she decided to invest her year-end bonus in a . . . DVD player para makapanood sila ng mga latest na pelikula at DVD. Ha? Eh pero nagrereklamo ang asawa niya na tuyo na lang daw ang kinakain ng mga anak nila. (Tapos ito ring asawa ay may sakit at ayaw pumunta sa doktor dahil wala daw silang pera! Pero may pera siya pambili ng alak at sigaril­yo.) Nag-alok ang mga boss niya ng scholarship para sa kanyang anak pero ito’y tinanggihan.

Haay buhay! OK lang to buy a DVD or something that our families will enjoy together but not at the expense naman of our family’s health or future. (Dati pa yan example ko ng DVD. Eh ngayon siguro mas uso na ang tablet/iPad, o karaoke, or PS4.)

Invest in education and developing the intelligence and wisdom of your family. Sabi nila na pag nag-invest ka sa magandang real estate property ay puwede kang kumita ng magandang return of investment. But there are many more people earning by investing in a different kind of property. Ang tawag dito ay intellectual property or intellectual capital.

That’s your brain!

Invest in increasing your intellectual capital. Ang iyong intellectual capital ay ang iyong talino. Kahit malugi ang ibang mga investment or negosyo mo, pag nag-invest ka sa sarili mong utak at potential, walang kalugi-lugi rito. Ang problema, karamihan ng tao ay inuubos ang pera sa load or bagong cellphone or magarang sapatos kaysa sa bagong libro o seminar na kung saan matututanan nila ang isang bagong skill o bagay. Keep on reading para lumawak ang iyong utak. Hindi mawawalan ng trabaho o opportunity ang isang wais na tao.

Sabi nga ng kaibigan kong si Chinkee Tan, “Rich people educate themselves more than they entertain themselves. Poor people entertain themselves more than they educate themselves.”

Always look for scholarships and exchange programs where you or your children can study or do study tours at little or almost no cost. When I was in college, lagi ako nagbabasa ng mga announcements at ng mga posters sa Bulletin Board ng aming eskuwela. (Wala pang Internet at that time!) Dream ko kasi mag-aral sa ibang bansa, kaya lang ayokong umasa sa family budget kaya naghanap ako ng scholarships granted by foreign governments. Dahil dito, nakapag-aral ako as a college exchange student sa Japan at sa US. Naging Youth Ambassador pa ako sa isang Japan-ASEAN study-travel experience called Ship for South East Asian Youth Program (SSEAYP) noong 1985.

Ang father ko naman, naging determinado sa paghahanap ng scholarship when he was young, kaya nakapag-aral siya bilang isang scholar sa sikat na post-graduate program sa Northwestern University sa Chicago, USA. So always look for opportunities for you or your children to study for free or to get scholarships.

Ikaw? Ano sa tingin mo ang sagot sa kahirapan?

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Ang Pera na Hindi Bitin (available at National Bookstore, Powerbooks, OMF Lit at PCBS.)

Visit or leave message on his FB page: Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com