Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Pera tip: Pag-aayuno sa paggastos (Fasting on spending)

By
0 15

Noong Sabado, natapos ang aming isang linggo ng “Prayer and Fasting”. Bilang isang ­Kristiyano at miyembro ng Christ’s Commission Fellowship (CCF) nag-parti­cipate kaming pamilya sa pagdarasal at pag-aayuno araw-araw para maka-focus sa Panginoon at lumapit sa Diyos.

From January 9 to 14, 2017, marami sa amin na nag-ayuno sa pagkain ng three meals a day. Ang iba hindi kumain ng isang meal; ang iba dalawa. Some skipped three meals and just took water. Ang iba nag-juice or liquid fast — taking only fruit juice, milk or soup.

Pero puwede ring mag-ayuno or fast from objects, habits or attitudes.

Kagaya ng ginawa ko. Nag-liquid fast ako — “eating” only juice, shakes/smoothies, and soup (once a day). Tapos, I also fasted on my beloved NBA basketball app. Kaya hindi ako ­nanood ng basketball game ng paborito kong mga superstar sa Golden State Warriors sa aking smartphone or tablet. Ang hirap!

Ang asawa kong si Miriam, siya naman ay nag-liquid fast din. Tapos nag-ayuno din siya sa lahat ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, YouTube etc). Higit pa riyan, she decided to fast from SHOPPING! Walang bili dito, walang bili diyan!

Hallelujah!

Walang shopping or buying of anything for one whole week! (Except grocery lang). Wow. Ang galing. Hindi galing sa aking ang idea na ‘yan. Siya ang nag-isip niyan!

Because of this Miriam had more time to pray and ­focus on the Lord. Hindi lang ‘yan, fasting from shopping is a great way to save and discipline yourself for financial freedom.

I-imagine mo na mag-ayuno sa pagbili at paggastos ng isang linggo hindi lang once a year, pero how about every month!

Magkano kaya ang matitipid natin?

Hindi lang iyon, fasting from spending helps bring us to a place of contentment. ‘Pag nasanay ka na hindi bumili ng gamit, damit, etc, you realize that there are many things in our life na hindi pala natin kailangan.

Ang sabi ng Biblia, “Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat ­sinabi ng Diyos, ‘Hindi kita iiwan ni pababayaan man.’ (Mga ­Hebreo 13:5)

Ano kaya? What else can we fast on?

COMPLAINING. Mag-ayuno sa pagrereklamo. ­Instead we would cultivate gratefulness. Tapos ang attitude of ­gratitude, ika nga, cultivates good health. Ang good health ­naman ­results in savings on medical expenses sa ating kinabukasan. ­(Actually, my son Joshua fasted from complaining and whining during our prayer and fasting week. Ang laki ng ­kanyang change of attitude!)

Related Posts

T.V. and CABLE. Mag-ayuno sa panonood ng telebisyon (lalo na sa mga teleserye, noontime show, basta lahat!). Kung kaya mong hindi manood ng isang linggo, eh ‘di kaya mong hindi manood ng isang taon!

Ibig sabihin, puwede mong i-cancel ang iyong cable TV subscription and save about P700 a month or P8,400 a year. If you invest that P8,400 in a mutual fund or UITF (e.g. an ­equity fund ma­naged by your bank) for the next 10 years and the fund is earning an ave­rage of 10% ROI ­annually, then your decision to not watch TV for one year and the ­following 9 years, will earn you not just P84,000 at the end of 10 years but P162,807.76! (Inclu­ding earnings from placements.) I ­practice what I preach and we’ve cancelled our cable subscription and will be investing the savings in business or in our bank’s ­equity fund.

Marami pang ­puwede pagkakitaan from ­fasting of ­objects or ­habits, kagaya ng ­paggastos. For ­example, fast from ­drinking (softdrinks or beer), smoking, ­gambling, buying lotto ­tickets, unhealthy foods (junk food), etc. Do that and you’ll be on your way to a blessed new year and life.

***

Mahal ka ng ­Diyos! Sabi ni Jesus sa Juan 10:10, “Dumarating ang magnanakaw para ­lamang magnakaw, pumatay, at manira. Napa­rito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang ­buhay na masa­gana at ganap.” (“The thief comes to steal, kill and destroy. But I have come so that you may have life and have it to the fullest.”)

Gusto ni Lord na magkaroon ka ng peace and eternal life, “God so loved the world that He gave His only begotten son, that whomsoever believes in Him, will not perish but have eternal life.” (John 3:16). Commit and entrust your life to Jesus Christ and live a life of fullness, contentment and in union with the Father, eternally. Gusto mo ba iyan?

Pray this prayer sincerely in your heart:

“Panginoong Ama, tinatanggap ko po ang iyong anak na si Hesus at ang regalong buhay na walang hanggan.

Inaamin ko po na ako ay makasalanan. I confess that I am a sinner. Marami akong pagkakamali na nagawa. Marumi ang aking puso at kaila­ngan ko ng tagapagligtas. Naniniwala ako that You died on the cross to pay for all my sins.

Hesus, binubuksan ko po ang pintuan ng aking puso. Please come into my life and be my ­Savior and my Lord. I accept Your gift of eternal life.

Come into my life and help me become the kind of person You want me to be. Salamat, ­salamat at ikaw ay napakabuti!

This I pray in Jesus’ name, Amen.

***

Si Ardy ­Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, ­speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Pera na Hindi Bitin (lahat ay available sa National Bookstore, PCBS, or OMF Lit bookstores.)

Visit or leave message on his FB page: Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com.