Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Negative Mindsets about Money (2)

By
0 5

“Ingatan ang iyong iniisip, dahil ang iyong pag-iisip ang siyang magtatakbo ng iyong buhay.” — King Solomon

Hetong huling linggo dalawang beses ako naimbitahan magsalita tungkol sa ‘Financial Stewardship’ o ang pagma-manage ng pera.

Na-realize ko ulit na kung puro tips at paraan lang ng pagma-manage ng pera ang ituro ko puro information lang at kung hindi ko isama sa usapan ang tungkol sa attitude at pag-iisip tungkol sa pera, malamang walang pagbabago or transformation ang mangyayari sa mga participants.

Kaya para sa column natin this week, balikan natin ang ating pag-iisip. Tama ang sinabi ni King Solomon sa Biblia (Prov 4:23), ang ating pag-iisip ang siyang magtatakbo ng ating buhay. Kaya dapat natin siyang pag-ingatan at pag-aralan.

Pag-usapan muna natin ang mga negatibong pag-iisip at attitudes tungkol sa pera at ang mga side effect nito:

1. “BUY-NOW-PAY-LATER” attitude. Heto ang pag-iisip na nagsasa­bi sa sarili, ‘bahala na kung paano ko babayaran ito pagdating ng bill’.

Kung wala tayong pangbayad ngayon, huwag nang bilhin. (Puwera lang kung ito ay isang asset kagaya ng bahay at lupa at KAYA mong bayaran ang monthly amortization nito na hindi ka hirap na hirap. Dapat not more than 30% of your income ang budget mo para sa amortization.)

Side effect ng ‘bahala-na!-buy-now-pay-later’ attitude: Baon sa utang. Stress at conflict sa pamilya.

Kaya iwas tayo diyan mga kababayan!

2. “ANAK KO, RETIREMENT PLAN KO.”

Mapanganib ang pag-iisip na ito. Lalo na kung ang mga anak mo ay nasa panahon ng pag-iipon para sa kanilang kinabukasan at para sa mga kanilang mga anak. Magtabi ng pera para sa iyong retirement at para sa iyong mga pangangailang­an.

Siyempre, walang anak na tatanggi para tulungan ang kanilang mga magulang, pero huwag natin asahan ang lahat sa kanila. Bilang mga Kristiyano, sabi ng Biblia, we are supposed to help and provide for our family members. (1 Timothy 5:8).

Pero gusto natin ma­ging blessing sa ating mga anak and help them in their own finances. Huwag tayo maging pabigat sa ating pagtanda.

May tamang panahon at season sa buhay ng mga ating anak na ka­yang-kaya nilang tumulong sa mga kamag-anak, lalo na ang mga magulang. Pero bigyan natin sila ng opsyon at kalayaan para pumili kung paano tayo tutulungan sa ating pagtanda.

Side effect ng attitude na ‘Anak ko, retirement plan ko’: Pagiging burden o pabigat sa mga anak, imbes na blessing.

(P.S. Credit goes to my friend, Randell Tiongson, for this saying: “Don’t make your children into your retirement plan.”)

3. “NOW NA! Gusto ko ngayon na!” Pagda­ting sa mga bagay gaya ng biyahe, bakasyon, bis­yo, atbp., marami ang hindi makapag-antay.

Ang pag-iisip at attitude ng impatience. Katu­lad ito ng #1 attitude (‘bahala na, buy now pay later’) pero ang attitude na ito ay laganap sa mga kabataan at mga tinatawag na millenials. Hindi naman sa wala silang pera para makasama sa isang bakasyon na biglaan, pero dahil dito wala rin silang savings. Kung ayaw natin mag-sacrifice ngayon ng mga so-called ‘pasarap’ sa buhay, we will suffer in the future.

Minsan kahit sa mga nakakatanda ay laganap din ito. Kaya iwasan ang ‘YOLO. You Only Live Once’ mentality sa pera. Kung hindi, walang matitira sa iyong savings account. Trust that God will provide you with the proper timing and resour­ces in the future. Sa tamang panahon, ‘ika nga.

Side-effect ng ‘Now na!’: Pagsisisi (buyer’s regret) at pagkawala ng savings.

To be continued next week!

***

God bless! God loves you!

Mahal ka ng Diyos! Sabi ni Jesus sa Juan 10:10, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (“The thief comes to steal, kill and destroy. But I have come so that you may have life and have it to the fullest.”)

Gusto ni Lord na magkaroon ka ng peace and eternal life, “God so loved the world that He gave His only begotten son, that whomsoever believes in Him, will not perish but have eternal life.” (John 3:16). Commit and entrust your life to Jesus Christ and live a life of fullness, contentment and in union with the

Father, eternally. Gusto ma ba iyan?

Pray this prayer sincerely in your heart:

“Panginoon Ama, tinatangap ko po ang iyong anak na si Hesus at ang regalong buhay na walang hanggan.

Inaamin ko po na ako ay makasalanan. I confess that I am a sinner. Marami akong pagkakamali na nagawa. Marumi ang aking puso at kaila­ngan ko ng tagapagligtas. Naniniwala ako that You died on the cross to pay for all my sins.

Hesus, binubuksan ko po ang pintuan ng aking puso. Please come into my life and be my Savior and my Lord. I accept Your gift of eternal life.

Come into my life and help me become the kind of person You want me to be. Salamat, sala­mat at ikaw ay napakabuti!

This I pray in Jesus’ name, Amen.”

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker, at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Pera na Hindi Bitin (updated edition 2016).

Visit or leave message on his FB page: www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com
Instagram: @ardyroberto