Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Nagbabayad ka ba ng utang?

By
0 7

“Let no debt remain outstanding…”

St. Paul to the Romans

Kaninang umaga, ­tumawag ako sa isang ­nakakatandang ­kaibigan. I called to ask for his recommendation about a common friend, na ­tawagin nalang natin Ric, whom I was about to ­invite to join in a ­business partnership with. Hindi ko masyadong kilala ang common friend namin so that’s why I called to ask about him. Okay na sana ang rekomendasyon niya, kaya lang ang sabi niya, “medyo mag-ingat ka lang kay Ric pagdating sa paghawak ng kaperahan. Kasi marami pa siyang utang sa mga iba’t ibang ­kaibigan.”

After he said that, napa-isip ako. “Naku. Parang delikado ah.”

Sabi ni San Pablo sa mga taga-Roma, “Huwag kayong magkakaroon ng utang kaninuman…”

When we owe people money and don’t pay them, nagkakaroon tayo ng issue sa integridad at tiwala. Mahirap na makipag-partner sa isang taong may mga issue sa pera, lalo na ang hindi pag­bayad ng utang.

Nag-iba ang isip ko tungkol sa pakikipag-partner kay Ric dahil sa kanyang mga utang.

Maaring ang hindi pagbayad ng iyong mga utang ay nakakasagabal sa pagdating ng mga blessings in you and your family’s life. Kasi kung hindi ka ­puwedeng pagkatiwalaan sa maliit na bagay, how can you be trusted with a big item?

May utang ka ba sa ibang tao?

Gumawa ka ng listahan at bayaran na ng ­kahit pakunti-kunti ang mga utang. Kausapin ang mga ­taong pinagkakautangan (lalo na kung sila ay ­pamilya) and explain when and how much you can pay them back.

Ang taong marunong mag-bayad ng utang ay mas madaling pagkatiwalaan.

“Huwag kayong magkakaroon ng utang kaninuman, maliban sa saguting magmahalan sa isa’t isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan.”*(Mga Taga-Roma 13:8)

Magbayad na ng utang!

***

Siya nga pala. Ang ginawa ng Panginoon Jesus para mawala ang ating mga kasalanan at mabuhay tayo ng ay isang utang na hinde puwedeng bayaran.

Ang sabi sa Biblia,

“Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasa­la­nan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”

“For the wages of sin is death, but the free gift of God is eternal life through Christ Jesus our Lord” (Romans 6:23).

Tanggapin at magtiwala ka na sa Panginoon ­Jesus para sa regalong buhay na walang hanggan. ­Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y maka­salanan at kailangan kita. Salamat at binayaran mo ang ­aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin. Nguni’t nabuhay ka muli at ngayon ay nasa ­langit ka, kasama ng Diyos Ama. Ako’y naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at ­panginoon. Salamat, Jesus. Amen”

God bless!!

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang ­entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Pera na Hindi (pa rin) Bitin (coming soon!)

Visit or leave message on his FB page: Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or email your ­questions or comments to ardy.salt@gmail.com