Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Mapagkakatiwalaan ka ba sa pera?

By
0 18

Minsan sa buhay, we can be tempted to compromise or mag-shortcut o sige, sabihin ko na, mangdaya sa negosyo, sa buwis, etc.

Pero, kailangan natin maalala na kahit anong sitwasyon natin, the Lord has given us all that we need.

Kaya lang, pagka hindi tayo good stewards of what the Lord gives us, He will take it away until we prove trustworthy even in the little wealth (money, talent, time, opportunity) that remains with us.

Kaya lang maraming beses, ang ating kasakiman ang nakakasagabal. Dahil sa inggit and envy, nadadali tayo sa mga financial traps, like getting into debt and investing in scams.

Sabi ni Apostle Paul, “People who want to get rich fall into temptation and a trap and into many foolish and harmful desires that plunge men into ruin and destruction.” (1 Tim 6:9)

Kung mayroon lang tayong pagkain at damit, tama na raw iyon, dapat kuntento na tayo, ayon kay Paul.

Kaya lang nga, ang problema kahit pang bili ng pagkain at damit wala. Pati yan, inuutang or pinapangbayad sa utang. Ang hirap kasi ng laging bitin ang pera di ba?

Parang laging maraming hindi puedeng gawin. Parang isang prisoner  walang options or choices.

Hindi ka makatulong din sa mga ibang pamilya o kamag-anak na kailangan ng tulong pag may disgrasyang nangyari.

You always feel nervous pag may nagkasakit or when tuition fees, electric bills, credit cards statements arrive and are due for payment.

Kung binabasa ninyo ang mga column ko every Wednesday, ang dasal ko ay natututunan ninyo ang mga prinsipyo tungkol sa pera na base sa Bible.

Madi-discover ninyo that when you apply it, magi­ging kuntento kayo kasi ang Panginoon ay tapat. He will always provide for all your needs.

Kasi hindi plano ni Lord na ang kanyang mga anak ay mabaon sa utang at laging bitin ang pera at pag-asa.

“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.” (Jeremiah 29:11. NIV)

Usapang pera sa biblia.

The truth is gulat na gulat ako when I was taught that money is the second most talked about topic in the Bible. The Bible has 500 verses on prayer; 500 verses on faith; but over 2,000 verses on money and possessions. Bakit kaya? Siguro, God uses money to teach us to trust in Him and to test and develop our character. Kasi sabi nga ng Bible, if we can not be trusted with worldly wealth (eg. money), how can we be trusted with true wealth (e.g. heaven).

Tinamaan ako ng mabasa ko ang sinabi ni Jesus sa Bible:

“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” (Lucas 16:10. Magandang Balita Biblia)

Dagdag pa ni Jesus:

“Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?

At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” (Lucas 16:11-12, Magandang Balita Biblia)

Kaya mga kapatid, matuto tayong maging trusted steward na pinagkakatiwalaan. Magbasa po tayo ng salita ng Diyos para matuto tayo sa mga paraan niya ng paghawak ng pera. Hindi kayo magsisisi.

***

Sabi ni Jesus, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (Juan 10:10).

Magtiwala ka na sa Panginoon Jesus. Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y makasalanan at kailangan kita. Salamat at binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin.

Ngunit nabuhay ka muli at ngayon ay nasa langit ka, kasama ng Diyos Ama. Ako’y naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at panginoon. Salamat, Jesus. Amen”

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, at Ang Pera na Hindi Bitin (updated ed).

Visit or leave message on his FB page: www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto.com or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com

Instagram: @ardyroberto