Una sa Balita

Perang Hindi Bitin: Mangarap, Mag-sipag

By
0 5

Toto: Pangarap ko, kumita ng PHP250,000 monthly gaya ni Daddy!

Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng daddy mo?

Toto: Hindi! ‘Yan din ang pangarap niya!*

 Libre lang ang mangarap, kaya walang masama sa pangarap ni Toto at ang kanyang Tatay na kumita ng PHP250,000 a month. Pero kung gusto nilang matupad ang pangarap, siguradong kailangan nila mag-sipag at mag-negosyo. (O ma-promote sa trabaho na bilang executive.)

Simple lang at totoo ang sabi ni King Solomon, the richest King who ever lived,
“Lazy people are soon poor; hard workers get rich.” (Proverbs 10:4 NLT)

Ayun. Sipag at tiyaga. Kung babasahin mo ang mga stories of successful people, lahat sila ay masisipag at enjoy na enjoy sa trabaho (dahil magaganda at positive ang mga attitudes nila).

Ngayon, kung masipag ka naman at kulang ang suweldo na tinatangap mo for the amount and quality of work you are doing, talk to your boss or supervisor. Ask for an adjustment. If you feel that you are underworked or could do more for the company, kausapin ang boss mo at humingi ka ng mga karagdagang trabaho. God willing, mapapansin ka at mabibigyan ka ng increase. (If not, at least you will have developed the important mindset and habit of always working harder and “going the extra mile.”)

Remember the principle, “Ask and you shall receive.” (Matthew 7:7). Sabi rin ni Jesus, “you do not have because you do not ask.” Huwag mahiyang humingi kung nasa tamang lagay ka naman. This was my experience in all of my previous jobs. Every time I asked for an increase, my bosses would always give it to me because I worked hard and produced the results needed.

Also, inquire about the incentive programs at work and make sure that you qualify. Always give excellent work and the money and rewards will follow (if not at your current job then siguradong may darating na job offer na mas maganda. Sabi ng Bible, “what you sow, you reap” — or kung ano ang iyong itinanim, iyan din ang aanihin.)

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro inclu­ding Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Ang Pera na Hindi Bitin (available at National Bookstore, Power­books, OMF Lit at PCBS.)

Visit or leave message on his FB page: Facebook.com/AngPera or ArdyRo­berto or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com