Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: ‘Mamalasin kapag ikaw ay nag-ipon’ at iba pang maling mindset

By
0 7

Nag-training ako kaninang hapon sa isang food company. Financial Stewardship ang topic. Or, ‘Ang Pera Na Hindi Bitin’.

Nag-diagnostic test or quiz muna ako sa mga employees and staff ng kumpanyang ito. At the end of the test, na-diskubre namin na marami sa mga staff sa kumpanyang ito ay kailangan pumunta sa ER (Emergency Room) para sa kanilang nagdurugong sitwasyon pinansyal. Kaunting tulak na lang, bagsak na, deadball na. Ang mga ito ay walang savings, baon sa utang, at wala ring investment. Hindi nila alam kung saan napupunta ang pera nila.

Pero may pag-asa pa. Dahil, ang maganda, ay willing silang magbasa ng libro, mag-aral at makinig para malutas ang problemang financial at makalabas sa financial ‘ER’ situation nila.

Abante Hiring – IT dep

Ang una-una kong tinuruan sa kanila ang disiplina ng pag-ipon or to save at ang pagkakaroon ng tamang ‘mindset’ para dito.

Ang sabi ng isang participant sa aking seminar, “Sir, sabi daw kasi ng mga matatanda ay pag nag-ipon ka, mamalasin ka. Kasi parang nag-iimbita ka ng aksidente o malas.”

Sinabi ito ng isang lalaki na kailan lang naaksidente. Nabali ang paa dahil sumemplang siya sa kanyang motor. Madaling-araw. Lasing.

“Naaksidente ka ba dahil ikaw ay nag-ipon sa garapon mo, o dahil ginastos mo ang naipon mo sa pag-iinom?”

Case closed. Wala nang tanong.

Pero, itong paniniwala na ito at iba pang paniniwala, tulad ng “pag nag-ipon ako, makukupit lang ito”, ay isang lason sa ating kalusugan pang pinansyal.

Piliin at suriin ang ating iniisip.

GIGO. Garbage in, garbage out.

Pasok ang pag-iisip na walang kuwenta, lalabas ang buhay na walang kuwenta.

“Tingnan mo ang langgam, ikaw na taong ubod ng tamad, pamumuhay niya  masdan mo at nang ikaw ay mamulat. Kahit sila’y walang pinunong sa kanila’y nag-uutos, walang taga-pamahala…ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga’y INIIPON kung panahon ng anihan.”

(Kawikaan 6:6-8)

Do you know God’s way to Heaven?

Ang sabi sa Biblia,

“For the wages of sin is death, but the free gift of God is eternal life through Christ Jesus our Lord.” (Romans 6:23)

Just go to a quiet place or wherever you are in the quietness of your heart, pray to ask Jesus to be your Lord and Saviour and receive the free gift of eternal life – heaven! Then in all your ways, trust and obey God, to show Him that you truly appreciate his gift of eternal life.

God bless!!

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Pera na Hindi Bitin (updated edition 2016).

Visit or leave message on his FB page:www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com
Instagram: @ardyroberto