Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: The Greatest Gift

By
0 0

Okay, tatlong araw na lang, Pasko na!

Sana nabasa ninyo ang ating column last week para umiwas tayo sa overspending at utang.

Kasi ang Christmas season ay dapat masaya. It’s a time of ce­lebration! Panahon ng Christmas parties, kainan galore, reunions at exchange gifts. Meron pang 13th month at Christmas bonus. Yey! Kumakanta tayo ng Christmas carols at namamasko sa mga ninong at ninang. At masaya rin makitang masaya ang mga bata when they open their Christmas gifts. Well, aaminin ko na excited din ako makatanggap ng regalo galing sa aking mahal.

Abante Hiring – IT dep

Ikaw? Anong regalo ang natanggap mo this Christmas?

Ngayon matatapos na ang Christmas season at malapit na ang bagong taon, usually ang ginagawa ko, nagsusulat ako sa journal ko. Ano ang sinusulat ko? I list down the gifts that I have received that I’m most thankful for. (Tapos I also list down all the blessings that I am thankful for the past year).

Habang nag-iisip ako kung ano ang best Christmas gift na binigay sa akin, I always list down this as the best, greatest Christmas gift that I’ve ever been given.

The gift of Jesus Christ and eternal life.

The best ito, kasi wala naman akong ginawa para makuha ito. Hindi ako deserving. Grasya talaga ng Diyos Ama.

Ikaw, have you received this gift? Libre po ito para sa lahat. Sabi ng biblia, “For the wages of sin is death, but the free gift of God is eternal life through Christ Jesus our Lord.” (Romans 6:23)

Ang galing, ‘di ba?

God loves you and me so much that He gave us His son, Jesus, so that we could receive the greatest gift: eternal life.

Kahit libre itong regalo, malaki ang binayad ni Hesus para sa iyong regalong buhay na walang hanggan. Jesus was crucified and then died but was raised after three days from the dead and is alive! We can now truly receive God’s gift to us —His Son, Jesus — dahil dito.

Ang sabi ni Apostle Paul sa mga Collosians, “You were dead because of your sins and because your sinful nature was not yet cut away. Then God made you alive with Christ. He forgave all our sins. He canceled the record that contained the charges against us. He took it and destroyed it by nailing it to Christ’s cross.” (Colossians 2:13-14)

So what have you done with God’s Christmas gift — ­Jesus Christ?

Unang-una. You need to receive this gift. Nagdasal ka na ba to receive Christ as your Lord and saviour? Kung hindi pa, then this Christmas season is the best ever time to do so! Idasal mo itong panalangin sa iyong puso: “Panginoon Ama, nagpapasalamat ako sa iyong Christmas gift. Tinata­ngap ko po ang iyong anak na si Hesus at ang regalong buhay na walang hanggan.

Inaamin ko po na ako ay makasalanan. I confess that I am a sinner. Marami akong pagkakamali na nagawa. Marumi ang aking puso at kailangan ko ng tagapagligtas. Naniniwala ako that You died on the cross to pay for all my sins.

Hesus, binubuksan ko po ang pintuan ng aking puso. Please come into my life and be my Savior and my Lord. I accept Your gift of eternal life.

Come into my life and help me become the kind of person You want me to be. Salamat, salamat at ikaw ay napakabuti!

This I pray in Jesus’ name, Amen.” Kung dinasal mo itong prayer ng taos puso, ikaw ay isang bagong nilalang. You are a new person with a new heart. Babaguhin ng Panginoon ang iyong buhay. Kumapit ka lang sa kanya, magtiwala at sundin ang kanyang salita. Mag-attend ka ng Bible study at magbasa ng biblia para you can grow in your life as a Christian.

At tuluy-tuloy mo lang basahin ang Pera na Hindi Bitin bawat linggo para malaman kung paano maging isang good ste­ward ng blessings at kaperahan na pinagkatiwala sa iyo ng Diyos.

God bless! Hope you had a Merry Christmas and will have a super Happy New Year!

***

Did you pray to receive Jesus Christ, the greatest Christmas gift of all? PM me on Facebook.com/ArdyRobertoAuthor to let me know and I’ll pray for you.

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro inclu­ding Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, and Pera na Hindi (pa rin) Bitin (coming soon!).

Visit or leave message on his FB page: Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or e-mail your questions or comments to ardy.salt@gmail.com