Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: The best investment

By
0 23

Marami ang nagtatanong. Kuya, ano po ang best investment for you?

I can give several answers gaya ng: Stock Market, Property, Business, etc. Pero, at the end of the day, ang sagot ko ay laging babalik sa isang sagot: edukasyon.

Yes, the best investment for me is always education. Investment that brings the greatest returns is investing in the God-given intellectual asset na binigay ng ating Panginoon: ang ating utak!

Ang problema sa atin kasi, kasama na ako doon, is that we as a people invest more in entertainment than in our education. Lalo ng ngayon, ang daling ma-entertain. Kahit saan ka pumunta, kasama mo na ang entertainment system mo: ang iyong smart phone. Puedeng manood ng YouTube, NetFlix, NBA, maglaro ng sari-saring games, makipag-chat, etc etc etc.
Pero kagaya ng paghawak ng pera, we have to be good stewards of our brains.

When we invest in our education and our brains, good things happen. We make better decisions; opportunities for job advancement opens up, mas marunong na tayo makipag-relate sa ibang tao. And if we study and invest our time in reading and attending seminars on how to be better lea­ders, managers, workers, investors, entrepreneurs, natututo tayo magnegosyo, mag-invest and to be better people.

So paano nga ba mag-invest in education? Kailangan bang bumalik sa eskuwela? Eh mahal diba?  

7 ways to invest in your education (for free or almost free)

Naglista ako ng pitong paraan at tips to invest in education and develop our brains without having to go back to school or spend a lot. Heto na! Game ka na ba?

1. Magbasa. Read books! Reading promotes deep thinking. Pagnagbabasa tayo, nade-develop ang ating pag-iisip. Maraming libro about money, finance, investing and personal growth ang available sa mga bookstores. Ang aking libro na Ang Pera na Hindi Bitin ay P75 lang at nasa National Bookstore, OMF Lit/Passages bookstores, etc. Marami pang ibang libro na available tungkol sa investing galing sa mga authors gaya nila Chinkee Tan, Marvin Germo at Randell Tiongson. Google them to read their blogs.  Kung walang walang pera talaga, humiram ng libro sa kapitbahay o kapamil­ya. Ang importante ay magbasa at huwag tamarin magbasa.

2. Attend seminars. This Thursday at Friday (9am-4pm on June 15 sa Malabon and June 16, same time sa Bay Leaf Hotel sa Intramuros) meron libreng seminar on Entrepreneurship that is offered by Go Negosyo and DTI. Meron silang Mentor Me program where aspiring entrepreneurs can be taught and mentored for free by experienced entrepreneurs. Tumawag sa Go Negosyo hotline 637-9347 for details on how to join.

3. Listen, watch and learn. Makinig sa mga radio shows where you can learn. (Kagaya ulit ng Go Negosyo radio every Friday..) You can also listen to podcasts from TechShake.Asia/podcasts and by listening and watching to lectures on TEDTalks on YouTube.
4. Mag-volunteer sa mga organizations gaya ng NGO or Church based orgs that organize lear­ning events and seminars. Matututo kayo just by volunteering and you’ll get to meet many potential mentors. Mag-volunteer din magturo sa Sunday School, sa mga NGOs because this will force you to study as well.

5. Sumali sa isang socio-civic group like Rotary Club, Jaycees, mga businessmen’s fellowship gaya ng FGBMF (Full Gospel Businessmen’s Fellowship) or BCBP; o di kaya sa mga organizations sa mga colleges and universities (kung ikaw ay isang estudyante pa). You will learn from other people’s stories (they have a speaker at every session).

6. Mag-apprentice. Offer to work for free every weekend for a businessman or entrepreneur. You will get to learn from them in action. Ask questions. Huwag mahiya!

7. Mag-sideline. Learn by doing! Launch a small business on the side. Sumali sa mga weekend bazaars, events, etc. Maghanap ng puedeng ibenta– t-shirts, load, cupcakes, goodies, etc. Sumali sa isang direct selling business. Magbenta ng insurance, real estate, etc. Mag-Uber or Mag-Grab sa weekends.

Walang excuse para maging mahirap. Ito ang natutunan ko sa interview ni Alfredo Yao, isang street vendor na natutulog sa kalye dati. Isang ulila. Walang-wala daw siya. At ngayon siya ay isa sa mga pinaka-successful na entrepreneur sa bansa. Siya ang founder ng Zest-O! Ang tawag sa kanya ay “Juice King”.  

Panaurin ang kanyang kuwento sa Go Negosyo Mentor Me program sa YouTube or basahin sa:

Street Vendor Turned ‘Juice King’ Alfredo Yao is the First Filipino ABA Awardee

“Habang may buhay, may pag-asa” sabi ni Mr Yao.

Mag-invest sa iyong edukasyon, sa iyong kakayanan.

May-pagasa ka. Mahal ka ng Diyos!

***

Sabi ni Jesus, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (Juan 10:10).

Magtiwala ka na sa Panginoon Jesus. Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y makasalanan at kailangan kita. Salamat at binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin. Ngunit nabuhay ka muli at ngayon ay nasa langit ka, kasama ng Diyos Ama. Ako’y naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at panginoon. Salamat, Jesus. Amen.”

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, at Ang Pera na Hindi Bitin (updated ed).

Visit or leave message on his FB page: www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto.com or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com
Instagram: @ardyroberto