Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Attention OFWs: Iwasan ang mga maling ugali at mindsets na ito (Part 3)

By
0 8

For the last two weeks, pinag-usapan natin ang unang walong maling mindsets na kailangan nating iwasan. To review, heto sila:

1. Pasikat mentality.
2. Balikbayan box mindset. 
3. My net worth is my self-worth mindset. 
4. Mañana mindset. Saka na lang mag-save.
5. Si “Papa ATM” mindset.
6. “Bahala na si Mama” mindset. 
7. Pa-Martyr mentality. 
8. “I-Deserve-to-Enjoy” mentality.

To continue, heto ang natitirang apat na mindsets na kailangan nating iwasan:

9. Buy-Now-Pay-Later. Marami ang natututong mabaon sa utang dahil sa “buy-now-pay-later” mentality. Pagdating pa lang ng maraming OFW sa ibang bansa, kasing dami rin ang nag-aalok ng kung anu-anong gamit etc. sa buy-now-pay-later­ scheme. Minsan hindi namamalayan ng OFW na ang laki pala ng interest. Iwasan po natin ang ganitong habit. Stress ang ­magiging resulta ng mindset na ito. 

#10. Malas ang mag-impok (Takot mag-save!) Naku! Maniwala kayo. Mayroon mga taong ganito ang takbo ng utak: ‘pag nag-impok ako, lalapitan ako ng sakit, aksidente, at kamalasan. Sandali lang, kuya at ate…puwede ba. Mag-isip-isip muna ng tama. Anong klaseng excuse iyan? 

Ganyan ang takbo ng utak ng isa kong tao na nagtatrabaho para sa food business namin. Hindi ako makapaniwala. Sabi niya, nagkaaksidente raw siya dahil nag-umpisa siya mag-save.

Pero ang totoo, uminom siya noong isang gabi pagkatapos na makuha ang suweldo, at nag-drive ng motor pauwi ng madaling-araw habang lasing. Sumemplang siya at ng kasama niyang nakipag-inuman. Basag ang buto sa kaliwang paa, at basag ang mukha.

Na-ER sila. Ubos ang savings sa gastos sa ospital. Ngayon, balik siya sa aming kumpanya. Hindi na siya umiinom, at hindi na rin siya “minamalas”, ika nga. Pero, ngayon, may savings na rin siya. 

#11. Anak-ko, retirement plan ko. 

Gusto mo bang maging blessing or burden sa pamilya mo? Huwag mong gawin retirement plan ang mga anak mo. Teach them these financial principles as your legacy. Teach them that “great wealth” is Godliness plus contentment.

And please save and invest so that they receive an inheritance. Huwag utang ang ipamana sa mga anak, kundi “wisdom” at kapayapaan.

#12. Lotto Mentality. We saved the best for last, ika nga. Kasi marami ang mga OFW or mga bagong promote sa trabaho na ang pag-iisip nila ay parang nanalo na rin sila sa lotto.

Their income increased so much but their spending increased even much more. Kaya ayun, negative pa rin. May utang. Be like Joseph in the Old Testament who told the Pharaoh to save 20% of all their crops while there was prosperity. Kasi alam niya na there will be a season of famine coming. 

So habang malakas at okay ang kita, be aggressive ­savers. Magtipid, tanggalin ang luho at mag-invest imbes na magpapiyesta o gumastos.

Sabi ng personal finance guru at author na si Dave Ramsey, “Personal finance is 80% behavior and only 20% head know­ledge.” Kaya we need to inspect and think about our thinking. Isipin kung ano ang mga maling pag-iisip na kailangang palitan. 

Ano ang mga unhealthy mentalities, mindsets, attitudes or behaviors ng ating mga pamilya pagdating sa pera?” Makipag-­meeting sa asawa, pamilya, mga kasama sa bahay para ituro at pag-usapan ang mga toxic money mentalities.

***

Sabi ni Jesus, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira.

Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (Juan 10:10). 

Magtiwala ka na sa Panginoon Jesus. Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y makasalanan at kailangan kita.

Salamat at binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin. Ngunit nabuhay ka muli at ngayon ay nasa langit ka, kasama ng Diyos Ama.

Ako’y naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at panginoon. Salamat, Jesus. Amen.”

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro including Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, at Ang Pera na Hindi Bitin (updated ed). 

Visit or leave message on his FB page: www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto.com or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com

Instagram: @ardyroberto