Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Attention OFWs: Iwasan ang mga 7 maling ugali at mindsets na ito (2)

By
0 5

Noong isang linggo, nag-salita ako sa isang Health and Wealth seminar for OFWs and sea farers. This was sponsored by one of the largest and yet most caring ship management companies that I know of. Meron silang malasakit para sa mga sea farers nila. Kaya, nag-organise sila ng ganitong seminar.

After the morning session on Health, nag-share ako ng mga personal and family financial lessons with the 450+ participants.

Ang unang-una kong binigay na lesson ay tungkol sa mga maling ugali at mindsets na meron ang mga Pinoy, lalo na ang mga Muslim sea farers.

So para sa inyo, I will share these again with you, my readers.

Unhealthy Money Mindsets to stop

#1. Pasikat Mentality.

Behavior: Lagi kang nanglilibre, nagpapabalato, bumibili ng mga pasalubong en grande, panay ang pa-party at pakain, at pa-inom. Para que? Para magpa-impress? Tama na ang pasikat pare! Magti­pid naman and save for your family’s future.

#2. Balikbayan Box Mindset

Behavior: Dahil sa ku­ltura ng “Materialism”, naniniwala tayo that it is a “need” that we should fill up several balkibayan boxes worth of gifts and pasalubong whenever the sea farer or OFW goes home. Mali! Tama na. Matutuwa naman ang mga bata at si Misis kung maka-uwi ka ng maayos—walang utang—at walang sakit sa puso dahil sa stress. Tama na ang murang souvenirs or laruan. (Anak, pag-ipunan mo and PS4 or iPad na gusto mo.)

#3. My net-worth, is my self-worth

Behavior: Insecurity­. Maraming OFW na gumagawa ng mga nakapagtataka na aksyon. Isa na dito ang pag-nakaw o ang pag-commit ng suicide! Basehan kasi nila ang pera para sa kanilang katauhan. Pero remember that your net-worth is not your self-worth. Don’t base your security and identify on the money that you have. Or else you will be like the Billionaire from Germany who jumped in front of a train and killed himself nang malaman niya na naging kalahati nalang ang kanyang $1B pagkatapos ng financial crisis of 2007-8. O di kaya katulad ng isang OFW na nag-nakaw ng 300 kilos ng copper bago umuwi para lang dagdagan ang kanyang iuuwi. Tama na! Sobra na!

Tumingin sa Diyos Ama para sa iyong katauhan at huwag sa pera. Kung tinangap mo si Jesus bilang iyong Lord at saviour, ikaw ay anak ng Diyos.

So your identity is “Child of God”. Hindi pulubi o mayaman.

Meron ba kayong mga mindset na naka mention dito? Kailangan ibahin na ang ating ugali kung tayo ay aasenso sa buhay.

Next week, ipapagpa­tuloy natin ang diskusyon tungkol sa mga maling mindsets at ugali at ano ang mga tamang ugali na dapat ipalit.

***

Sabi ni Jesus, “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” (Juan 10:10).

Magtiwala ka na sa Panginoon Jesus. Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y makasalanan at kailangan kita. Salamat at binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin. Ngunit nabuhay ka muli at ngayon ay nasa langit ka, kasama ng Diyos Ama. Ako’y naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at panginoon. Salamat, Jesus. Amen”

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro inclu­ding Money and Marriage, Heart of Healing, Real Men are POGI, at Ang Pera na Hindi Bitin (updated ed).

Visit or leave message on his FB page: www.Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto.com or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com Instagram: @ardyroberto