Una sa Balita

PERANG HINDI BITIN: Ang sekreto ng financial freedom

By
0 11

“Magbigay kayo at kayo’y ­bibigyan ng ­Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ­ibibigay sa inyo. ­Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring ­gagamiting panukat sa inyo.” – ­Lucas 6:38.

Last week, natapos natin ang Top 10 promi­ses of God for financial provision.

Ang number one promise ay galing sa Lucas 6:38. Dito mahahanap ang sekreto ng kalayaang pinansyal. Ano nga ‘yun? “Magbigay.” Give.

“Give, and it will be given to you.”

Napaka-simple kung tayo ay maniniwala lang na kung tayo ay mapag-bigay or generous, we will ­never lack. Hinding-hindi tayo magkukulang dahil ang ­Diyos mismo ang magbibigay sa atin. ­“Magbigay kayo at kayo’y bibigyan ng Diyos;”

Heto na ang pinaka-maganda at ­pinaka-mabisang investment strategy dahil ang balik sa ating ­pagbibigay ay ito:

“hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo.”

Iyan ang pangako ng Diyos. At heto pa oh:

Deuteronomy 15:10 (NLT): “Give generously to him and do so without a grudging heart; then because of this the Lord your God will bless you in all your work and in everything you put your hand to.”

Is God leading you to give to someone or to a cause, whether it is family, strangers, church, or an organization, who needs help?

“Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang ‘di mananampalataya.”

“But if anyone does not provide for his own, and especially for those of his household, he has denied the faith and is worse than an unbeliever.” 1 ­Timothy 5:8.

Masdan natin ang ating puso. Kung hindi tayo makapagbigay, baka ini-idolo na natin ang ­kaperahan.

Tandaan natin ang pangako ng Diyos na kung tayo ay magbigay, He will bless us.

“Give generously to him and do so without a grudging heart; then because of this the Lord your God will bless you in all your work and in everything you put your hand to. – Deuteronomy 15:10 (NLT)

God our Father so generously gave us eternal life through His son, Jesus Christ.

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng ­Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” – Juan 3:16

Ang sabi sa Biblia,

“For the wages of sin is death, but the free gift of God is eternal life through Christ Jesus our Lord” (Romans 6:23).

Magtiwala ka na sa Panginoon Jesus para ­tangapin ang regalong, buhay na walang ­hanggan. Sabihin mo sa kanya, “Panginoon Jesus, ako’y makasalanan at kailangan kita. Salamat at binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Krus at namatay ka para sa akin. Ngunit nabuhay ka muli at ngayon ay nasa ­langit ka, kasama ng Diyos Ama. Ako’y ­naniniwala sa iyo, at tinatanggap kita bilang aking tagapagligtas at ­Panginoon. Salamat, Jesus. Amen”

God bless!!

***

Si Ardy Roberto (ardyroberto.com) ay isang entrepreneur, speaker at author ng 8 libro ­including Money and Marriage, Heart of ­Healing, Real Men are POGI, and Pera na Hindi (pa rin) Bitin (coming soon!)

Visit or leave message on his FB page: ­Facebook.com/AngPera or ArdyRoberto or email your questions or comments to ardy.salt@gmail.com.