Una sa Balita

Peralta naghigpit sa TRO, mga hukom na umaatras sa kaso

0 383

INIUTOS ng Supreme Court (SC) ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan hinggil sa pag-iisyu ng retraining order at pag-atras ng mga hukom sa paglilitis ng kaso.

Sa magkahiwalay na kautusan na inisyu ni Chief Justice Diosdado Peralta, lahat ng mga hukom ng Court of Appeals (CA), Sandiganbayan, Court of Tax Appeals hanggang sa mga trial court judge ay kaila­ngang magsumite sa kanyang opisina ng kopya ng mga inisyu nilang temporary restraining order (TRO), status quo ante order (SQA), writ of preliminary injunction (WPI), at order of voluntary inhibition.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 63-2020 na may petsang Pebrero 20, simula sa Marso 1, kailangang isumite na sa tanggapan ni Peralta ang kopya ng mga nabanggit na dokumento sa loob ng limang araw matapos na mag-isyu nito.

Nakasaad naman sa Administrative Order No. 62-2020 na kailangang magsumite ng kopya ng kanilang order of voluntary inhibition ang mga lower court judge at bigyan din ng kopya ang OCA sa loob ng limang araw matapos ilabas ang kautusan.

Pinuna ng Punong Mahistrado ang madalas umanong pag-atras ng ilang mahistrado o hukom sa mga hinahawakan nilang kaso batay sa mga kadahilanang hindi naman balido. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More