PERA, PAGMUMURA, SANHI NG AWAY NINA RICHARD AT MARICAR!

By

Ibinahagi ng celebrity couple na sina Richard at Maricar Reyes-Poon, na apat na taon na ngayong kasal, ang ilan sa kanilang tips kung paano harapin ang mga karaniwang isyu ng mag-asawa sa kanilang unang libro, ang “10 Things We Fight About” mula sa ABS-CBN Publishing.

Ayon sa aktres, nagsimula ang kanilang ideyang magkaroon ng sariling libro sa kanilang blog.

Nais nilang magba­hagi ng kwentong malapit sa puso at isa rito ay kung paano nila napagtatagumpayan ang mga conflicts na pinagdaa­nan nila.

Tampok sa libro ang ilan sa mga karanasan nina Richard at Maricar habang nagsisikap silang mapanatiling masaya ang kanilang pagsasama sa kabila ng mga karaniwang hindi pinagkakasunduan.

Ilan sa mga binanggit ng mag-asawa na sanhi ng kanilang pagtatalo ang pagpapahiram ng pera sa iba, pag-aakusa ng walang basehan, pagmumura, at pekeng paghingi ng tawad.

Kwento ni Richard, masisilip sa libro ang buhay sa tahanan ng Poon at Reyes, at kung anu-ano ang pinagkaiba ng dalawa dahil na rin sa magkaibang paraan ng pagpapalaki sa kanila.

“Sasagutin nito ang tanong kung anong nangyayari pagkatapos sabihin ang “I do,” dagdag ni Maricar.

Nakalathala sa libro ang mga aral na makaka­tulong sa mga magka­relasyon upang higit nilang maintindihan ang bawat isa at ayusin ang mga hindi pinagkakasunduan.

Ang “10 Things We Fight About” ang la­test addition sa mga bestselling consumer books ng ABS-CBN Publishing. 

Kasama na sina Richard at Maricar sa mga celebrity authors nito tulad nina Alex Gonzaga, Georgina Wilson, Solenn Heussaff at Ramon Bautista.


Pormal nang inilunsad ng singer at ng aktres ang kanilang bagong proyekto sa book launch na ginanap sa National Book Store, Glorietta sa Makati City noong July 16. 

Ang “10 Things We Fight About” ay mabibili na sa leading newsstands at bookstores sa halagang P225. 

SHARE