Una sa Balita

Pera, pag-aasawa dahilan ng pagdami ng OSCY

By
0 734

Siyam sa bawat 100 Fi­lipino na nasa edad anim hanggang 24 ay tinutu­ring na out-of-school children and youth (OSCY).

Sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga OSCY ay ‘yung mga nasa edad anim hanggang 14 na wala sa paaralan o ‘yung mga 15 hanggang 24 na wala rin sa paaralan at walang trabaho.

Ayon sa PSA, 39.2 mil­yon ang mga Filipino na edad anim hanggang 24 at 3.6 milyon sa kanila ay OSCY. Halos dalawa sa bawat tatlong OSCY ay babae. Pag-aasawa at mga suliraning pampa­milya ang dahilan kung bakit 37% at hindi na pumapasok sa paaralan. Nasa 24.7% naman ang nagsabing nawalan na sila ng interes kaya hindi na sila nag-aaral samantalang 17.9% ang nagsabing kakulangan sa pera ang dahilan kaya hindi na sila pumasok sa paaralan.

Kalahati sa mga OSCY ay nasa pinakamahirap na pamilya base sa kanilang kinikita.

Ang pag-aaral ng PSA na ito ay ang Annual Po­verty Indicators Survey kung saan 11,000 pa­milya ang sakop.