Una sa Balita

Pera ni misis sa ATM nilimas ng ‘Budol-Budol’

0 728

Nalimas ang pera ng isang ginang sa kanyang bank account­ matapos mapalitan ng dalawang hindi naki­lalang babaeng suspek­ ang kanyang ATM card sa loob ng mall sa Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa biktimang si Ronella Castillo, 35, taga-Barangay Looc, alas-tres ng hapon nang mabiktima siya ng tila budol-budol na modus­ ng mga suspek­ na umaktong nakasunod sa pila habang nagwi-withdraw siya sa BDO ATM booth sa SM-Calamba.

Papaalis na ang ginang sa booth na hindi umano naka-withdraw nang habulin ng isa sa mga suspek na tinata­yang nasa edad 30-an­yos at sabihin na may naiwan siyang 1,000 piso sabay-abot sa kanya ng pera at resibo.
Doon umano posibleng naipalit ng suspek ang ibang ATM card habang beni-verify nila ang account number na nakalagay sa ibinigay na resibo.
Nalaman lang umano nila na napalitan ang ATM nang subukan nila muling mag-withdraw.

Nang magtungo sa opisina ng BDO, nalaman ng biktima na na-withdraw na agad ang P60,000 na laman ng kanyang ATM account.

Nagtataka din ang biktima kung paano kaagad nalaman ng mga suspek ang kanyang ATM password.

Ayon nman sa mga imbestigador, posibleng sa isa rin sa mga nabiktima ng mga suspek ang ipinalit na card na nakapangalan sa isang Jose Antoni Salud.

Patuloy pang iniim­bestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy