Una sa Balita

… Per diem ang SBMA chairman

By
0 111

Nilinaw ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) director Benny Antiporda na walang natatanggap na suweldo ang kanilang chairman na si Martin Diño dahil per ­diem lamang ang basehan ng suweldo nito.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Antiporda base na rin sa ilang mga pahayag ni Diño sa media at publiko na simula nang manungkulan bilang chairman noong nakaraang taon ay wala pa umano itong natatanggap na suweldo.

“Talagang walang suweldo ang chairman pati kami dahil lahat kami ay per diem. Ibig sabihin sa bawat board meeting namin ay nakakatanggap kami ng P15,000 ikakaltas ang tax, sabihin na­ting meron kaming 13,500, ‘yun po ang tinatawag na suweldo namin,” ayon kay (SBMA) director Benny Antiporda.

Katunayan umano, sa P15,000 na kanilang natatanggap ay iminungkahi ni Antiporda sa board na dagdagan ng 20% ang per diem ng kanilang chairman alinsunod sa batas dahil mahirap umano ang trabaho ni Diño. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy