Una sa Balita

Peping Cojuangco, POC iimbestigahan sa P15M Yolanda fund

By
0 740

NAIS ni Senador Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na imbestigahan ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Olympic Commitee (POC) kaugnay sa US$450,000 na donasyon ng International Olympic Committee (IOC).

Sa Senate Resolution 1007, iginiit ni Pacquiao na mahalagang malaman kung papaano nagamit ang donasyon ng IOC para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda, limang taon na ang nakalilipas.

Sa resolusyon, magsasagawa ang Senate Committee on Sports ng imbestigasyon sa origin, paggamit at disbursement sa IOC grant sa POC noong 2013.

Si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. pa ang pangulo ng POC nang panahong iyon bago napalitan ni Victorico Vargas sa isang inatas ng korte na eleksyon noong Pebrero 2018.

Gagamitin dapat ang pondo sa pagtatayo ng mga sports facility at multi-purpose gym sa lalawigan ng Leyte at Southern Leyte na sinalanta at pinerwisyo ng nasabing super typhoon.

Idinagdag ni Pacquiao na kabuuang $300,000 (P15 milyon) na ang nagamit sa dalawang yugto at may na­tira pang $150,000.

“Although such fund is private in nature, it is imbued with public interest since it involves rehabilitation of public facilities and the participation of the go­vernment in its disbursement,” diin ni Pacquiao.

Sinabi ng senador na kailangan pa ring magsumite ng POC ng financial report sa IOC upang matanggap ang ikatlong bahagi ng donasyon.

“The POC has to submit a formal financial report to the IOC to be able to receive the third tranche. Therefore it is subject to the oversight function of the Senate to ensure its transpa­rent accounting,” wakas ng mambabatas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy