Una sa Balita

People power sa Manila Bay reclamation ban hinirit

By
0 324

NANAWAGAN ang isang kongresista ng pagkakaisa para tutulan ang reclamation sa Manila Bay.

Kasabay nito ay hinimok ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ang publiko na suportahan ang House Bill (HB) No. 9067 para maideklarang “reclamation-free” zone ang Manila Bay.

“The Filipino people should decisively take the noble task of protecting Manila Bay by declaring it as ‘reclamation-free,” paghahayag ni Casilao sa People’s Summit on the Impacts of Reclamation sa Bayleaf Hotel sa Maynila kahapon na inorganisa ng iba’t ibang grupo kabilang na ang People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems (People’s NICHE) at Pamalakaya.

Isinasaad ng naturang panukala ang pagbabawal sa ano mang klase ng reclamation activities kahit na nasa planning stage pa lamang.

Pinakakansela rin ang pag-iisyu ng environmental compliance certificates (ECCs) at permiso sa lahat ng mga nakabin­bing reclamation project.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng limang milyong piso hanggang P15 milyon.

Binigyang-diin ng kongresista na ang Manila Bay ay isang “heritage asset” na may importanteng papel sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang mga reclamation project aniya ay salungat sa mandamus ng Supreme Court (SC) na nag-aatas sa gobyerno na ibalik sa ayos ang kondisyon at panatalihin ang magandang kapaligiran sa Manila Bay.

“The SC decision was triggered by the people’s petition who aspire to enjoy Manila Bay, thus, reclamation ia violative of the high court’s order,” dagdag ni Casilao.

Hindi lamang ang mga reclamation project sa Manila Bay ang tinututulan ng solon kundi ang buong National Reclamation Plan (NRP) dahil ang mahihirap na mangingisda ang tatamaan nito bukod pa sa wawasakin din nito ang marine biodiversity at magdudulot ng pagbaha.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy