Una sa Balita

People power kontra extradition bill lumobo sa HK

0 4,452

LUMOBO ang bilang ng mga taong nagpoprotesta sa Hong Kong laban sa extradition bill.

Napuno nitong Miyerkoles ng mga tao ang Harcourt at Connaught Road Central, habang ang iba naman ay humarang sa kalsada patungong gusali ng Legislative Council.

Kabilang sa nakiisa sa kilos protesta ay ang mga mambabatas na sina Fernando Choi at Claudia Mo.

Isinisigaw ni Mo na ang pagtitipon-tipon ng mga tao ay maituturing na people power. Bitbit ni Mo ang placard na may nakasulat na “Scrap the China extradition bill.”

Halos lahat ng mga lumahok sa kilos protesta ay naka-payong dahil sa umaambon. Pero ang payong ay simbolo din ng protesta ng mamamayan ng Hong Kong.

Sa isang televised message, nanawagan si Hong Kong Chief Secretary for Administration Matthew Cheung na tigilan na ang pagsasagawa ng kilos protesta.

Nakatakda sanang pagdebatihan ang extradition bill dakong alas-11:00 nang umaga pero dahil sa barado ang mga kalsada ay kinansela ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy