Una sa Balita

Pentala sibak kay Wesley sa 89 sulungan

0 264

SAMPA sa susunod na round si super grandmaster Wesley So matapos talunin sa tiebreak games si GM Pentala Harikrishna ng India, 1.5-0.5, sa 2nd Grand Prix Series Knockout 2019 sa Jurmala/Riga, Latvia kahapon.

Tinapos ni 25-year-old So si Harikrishna sa 89 moves ng Giuoco Piano sa unang rapid at tabla sila sa pangalawa matapos ang 41 sulungan ng Queen’s Gambit para makasama sa last eight.

Nagkaroon ng dalawang rapid games matapos mauwi sa 1-1 ang labanan nina Imus, Cavite native So at Harikrishna sa classical games.

Dahil sa panalo, lumalakas ang tsansa ni former Philippine Chess team star So na makalaro sa World Championship kung saan makakalaban niya si reigning champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Sunod na makakalaban ni So si Russian GM Sergey Karjakin sa round 2, tinalo nito si GM Anish Giri ng the Netherlands na umabot sa blitz games ang kanilang laro.

Ang ibang pares ng laro sa round-of-eight ay sina former world champion GM Veselin Topalov ng Bulgaria kontra GM Maxime Vachier-Lagrave ng France; GM Alexander Grischuk ng Russia laban kay GM Yu Yang­yi ng China at GM Shakhriyar Mamedyarov ng Azerbaijan katapat si Jan-Krzysztof Duda ng Poland.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy