Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pentagon kikilatisin mga naispatang UFO

0 46

Bumuo ng isang tanggapan ang Department of Defense ng Estados Unidos na mas kilala sa tawag na Pentagon, upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga naiispatan umanong unidentified flying object o UFO.

Nabatid na naglabas ng memo si Deputy Defense Secretary Kathellen Hicks kung saan ay inihayag nito ang pagbuo ng Airborne Object Identification and Management Synchronization Group para pag-aralan at magbigay ng mga kaukulang hakbang ang anumang banta sa pambansang seguridad ng mga UFO.

Kasunod ito ng ulat na ibinigay ng US Director of National Intelligence sa Kongreso ng Estados Unidos noong Hunyo 2021 tungkol sa tinawag nitong ‘unidentified aerial phenomenon’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.