Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pensyon ng mga senior pinaluwagan pagkuha

0 88

Inatasan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga ahensya ng gobyerno, bangko at iba pang financial institusyon na magpatupad ng alternatibong paraan para sa pagkakaloob ng pensyon sa mga senior citizen habang may pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na kailangan pang personal na magpakita ang isang senior para makuha ang kanyang pension kaya inutos ng IATF sa mga kaukulang ahensiya na maglabas ng memorandum circular hinggil dito na ipatutupad simula Marso 1.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Para matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan, inaprubahan ng resolusyon na ito na hindi na sila kinakailangan na magkaroon ng personal appearance sa mga bangko at iba pang institusyon para makuha lamang ang kanilang mga pension,” sabi ni Roque. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.