Una sa Balita

‘Penis fish’ dumagsa sa California beach

0 401

LIBO-LIBONG marine worm na binansagang­ ‘penis fish’ dahil sa kanilang hugis at kulay ang napadpad sa California beach matapos silang tanga­yin ng malakas na winter storm.

Nagkalat sa Drake Beach, 80km ang layo sa San Francisco, ang nilalang na tinatawag bilang fat innkeeper worm.

Ang mga higanteng bulate na umaabot sa 10 pulgada ang haba ay nagbubutas sa dalampasigan para maghanap ng makakain.

Bagama’t sa California lamang ito nakikita, patok naman itong pagkain sa South Korea dahil sa aphrodisiac o nagpapainit umano ito ng tao.
Kalimitang ginagawa itong sashimi o kaya ay piniprito o iniihaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More