Una sa Balita

Peñalosa: Bugbugan sa Ultimate Boxing

0 198

MAGTATAGISAN ng lakas, bilis at diskarte ang mga batang boksingero sa paboksing na inorganisa ni Pinoy legend at two-time champion Gerry “Fearless” Peñalosa.

Layunin na makahanap ng bagong Manny P­acquiao, nagsagawa ang Gerrypens Promotions sa pamumuno ni Peñalosa ng boxing tournament training program at tinawag itong “Ultimate Boxin­g Series”: Kamaong Pinoy na pakakawalan sa susunod na buwan sa Novaliches.

“Filipinos are very talented kaya dapat ma-expose sila para makahanap tayo ng future cham­pions at susunod na Manny Pacquiao,” saad ni Peñalosa kahapon sa press launch sa Midas Hotel.

May 20 bagitong boksingero ang mag-uupakan sa division na flyweight at bantamweight, at ayon kay Peñalosa ay mga tatlong laban bago makara-ting sa finals. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy