Una sa Balita

Peña dinaga sa rambulan ng mga Binay sa halalan 2019

By
0 1,611

KAHIT inuudyukan ng kanyang mga tagasuporta, hindi na muling tatakbo sa pagka-alkalde si dating Makati City acting mayor Kid Peña.

Nanindigan ang dating acting mayo­r na hindi siya sasawsaw sa umu­ugong na balita na posibleng magkakatunggali sa susunod na halalan sa pagka-alkalde ng Makati ang magkapatid na Binay.

Ayon sa kampo ni Peña, plano nitong maging kinatawan ng unang distrito ng Lungsod ng Makati.

“I would not want to see anothe­r emotional battle between relatives and family members, city hall wor­kers versus peers, neighbor against their neighbor, and broken decade-long friendships come election time,” sabi ni Peña.

Ikinalungkot nito ang posibleng labanan ng magkapatid na Binay sa politika.

Nang maluklok na bice-president si dating Makati City Mayor Jejomar Binay noong 2010, ang anak nitong si Junjun Binay ang tumakbo at nanalo. Pero tinanggal ito ng Ombudsman noong 2015 at naluklok si Peña.

Noong 2016 elections, nahalal naman ang kapatid ni Junjun na si da­ting Makati City representative Abigail Binay.