Una sa Balita

Pen Medina, biglang ‘binasura’ sa ‘Encantadia’!

By
0 7

Si Pen Medina ang kontrabida sa Mang Kepweng Returns, ang pelikula na pinagbibidahan ni Vhong Navarro at initial presentation ng Cineko Productions. Tumatak sa televiewers ang husay ni Pen bilang Ha­gorn sa original Encantadia kaya ito ang aming itinanong sa kanya nang makausap namin siya sa maulan na second day shoot noong Linggo ng Mang Kepweng Returns sa Bulakan, Bulacan.

Hindi inaasahan na may matitisod kami na isyu nang tanungin namin si Pen kung pinapanood nito ang Encantadia 2016.

“Siyempre, minonitor ko. Nagkita kami ni Direk Mark, nag-usap kami, December 2015. Saka si Elmer, ‘yung kanyang cinematographer.

“Pen, may project tayo, sabi ni Elmer, basta secret, andiyan si Direk.

“Ano, gagawin ‘yung Encantadia uli, Ha­gorn ka uli. Sabi ko, ‘sige, sige Direk’.

“Pagkatapos no’n, eto kontrobersyal ito, hindi na ako kinontak.

“Naintindihan ko naman nang mapanood ko, ah may batang Hagorn.

“Ang ibig sabihin `di ba, tawagan ako, kahit ‘yung PA lang ang tumawag sa akin,” ang kuwento ni Pen na nilinaw na hindi nagtatampo pero naghintay ng abiso na hindi na siya kasama sa bagong version ng Encantadia.

“Walang  tampo, sanay na ako sa ganoon. Hindi tampo, inisip ko na lang, busy, siguro nakaligtaan,” ani Pen.

Si John Arcilla ang ipinalit kay Pen bilang Hagorn at nang usisain tungkol sa opinyon niya sa ipinalit sa kanya, sumagot ang seasoned actor ng…

“Siyempre, iba. Kayo na lang ang…

“Siyempre hindi ako magsasalita kasi hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ng direktor, kung ibang klaseng attack. Hindi ko napapanood ng buo. Pasundot-sundot lang…”