Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pemberton pardon palit COVID bakuna sa US -Roque

0 168

Walang problema kay Presidential Spokesman Harry Roque bilang dating abogado ng pamilya ni Jennifer Laude kung ang kapalit ng absolute pardon ni US Marines Lance Corporal Scott Pemberton ay pakinabang sa COVID vaccine na madidiskubre ng Amerika.

Sinabi ni Roque na sa kanyang personal na opinyon, ang absolute pardon kay Pemberton ay para sa mahalagang pambansang interes na kinakailangang pangalagaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

SM food to go Banner Ad

Agad nilinaw ng kalihim na personal na opinyon niya ito at hindi posisyon ni Pangulong Duterte.

“Sa tingin ko naman, ito ay personal na opinyon ko na ang pamimigay ng pardon kay Pemberton ay kabahagi ng pagnanais ng Presidente na kapag mayroon ng vaccine na na-develop ang Amerika ay makikinabang din ang Pilipinas,”ani Roque.

Sa ngayon ani Roque ay apat na bansa pa lamang ang tumutuklas ng gamot na pangontra sa COVID-19, at isa dito ang Amerika.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.