Una sa Balita

Pelikulang pagsasamahan ng mga sikat na artista, malabo pa!

By
0 2,168

Natatawa na lang pala ang isang top actor sa tsikang kasado na ang isang malaking pelikulang pagsasamahan daw nila ng ilan pang top actors (and actress).

Kung makapagkuwento raw kasi ang isang actor na involved sa project na ‘yon ay para namang nakapag-yes na ang lahat ng mga artistang sinasabing magbibida sa napakalaking pelikulang ‘yon.

Sabi ni top actor, maging siya raw ay hindi pa naman nag-yes sa proyektong ‘yon, pero ‘yung isang actor nga raw na kasali rin sa list ng sinasabing magbibida sa pelikulang ‘yon ay parang sure na sure na raw kung magkuwento tungkol doon.

Abante Hiring – IT dep

Si top actor nga, may duda pa talaga sa project na ‘yon lalo na at ‘yung ibang sinasabing kasali raw sa cast ay balitang kakandidato sa 2019 elections, huh!

Sey ni Annabelle
Sarah sa April pa manganganak

Kung si Richard Gutierrez ay nagsabi sa akin na baka mapasabay pa sa trabaho niya bilang host ng Binibining Pilipinas 2018 coronation night ang panganganak ng fiancé niyang si Sarah Lahbati sa kanilang second baby boy, ang tsika naman ni Annabelle Rama nang magtanong sa kanya si Mother Lily Monteverde noong magkasama kami the other day ay baka sa April pa manganak ang nanay ng apo niyang si Zion.

Hmph! Parang confused tuloy ako sa mag-ina, huh!

Anyway, naitsika na rin ni Bisaya kay Mother Lily kung saan manganganak si Sarah, pero huwag ko na raw isulat ang tungkol doon.

Sabi nga pala ni Mother Lily, excited siya sa second baby boy nina Richard at Sarah dahil sobrang cute at bibo nga naman ni Zion, for sure raw, ganoon din ang padating na second baby boy ng mag-fiancé.

Isa pa sa mga napagtsikahan nina Bisaya at Mother Lily ay ang pagbabalik-Regal Entertainment ng isa sa original Regal babies na si Maricel Soriano.

Mukhang excited si Mother Lily na nag-start na ng shooting si Maricel para sa pelikulang idinederehe ni Eric Quizon.

Hindi matandaan ni Mother Lily ang title ng pelikula ni Marya, kaya si Roselle Monteverde na ang inusisa ko tungkol doon. My 2 Mommies daw ang title no’n at bida rin si Paolo Ballesteros.

Sayang at nagmamadali na si Mother Lily at hindi ko na siya nausisa kung balak pa ba niyang magkaroon ng reunion movie si Marya with Dina Bonnevie at Snooky Serna.

Pare-parehong sumikat sa Regal sina Marya, Dina at Snooky, kaya nararapat lang na sa nasabing film outfit sila magkaroon ng reunion movie, ‘noh?!