Una sa Balita

Pelikula with Kathryn itinanggi ng kampo ni Alden

By
0 1,077

abante-talbog-joe-barramedaNoon ko pa nabalitaan ang sabi-sabi na pelikulang pagsasamahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Nag-check nga kami sa manager ni Alden with GMA Artist Center at ang sabi niya ay wala naman daw nakakarating na abiso sa kanila na may pelikula ngang pagsasamahan ang dalawa. Nabasa rin lang daw nila ‘yon sa social media.

Pero, totoong may gagawin na pelikula nga si Alden, pero ibang project daw ‘yon na hindi kasama si Kathryn.

Kaloka mga balita, huh! Pero, wait na lang tayo kung anong movie gagawin ni Alden.
Sa ngayon kasi ay abala si Alden sa Eat Bulaga at sa Sunday PinaSaya ng GMA 7.

‘Kara Mia’
pataas ang rating

 

Palaging trending sa Twitter si Mike Tan, bilang si Iswal na isang engkanto Kara Mia. Hindi man nalagpasan ang katapat ay araw-arawNnaman tumataas ang ratings nito, kaya malamang na malagpasan din nito ang katapat lalo na siguro kapag nagsimula na ang gulo sa pagitan nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.

Si Mike Tan nga ang engkanto na nabaliw kay Carmina Villaroel na ina nina Kara at Mia. Hirap man si Mike sa mga ipinapahid sa kanya ay nasanay na ito sa tuwing may taping sila.

Alam naman natin na ngayon ay isang pamilyadong tao na si Mike at bago pa man siya ikasal sa longtime live in partner niya ay nagbago na siya ng lifestyle. Kaya hands on siya sa pag-aalaga sa kanyang mag-ina.

Gusto niyang makita ang paglaki ng anak. Hirap lang siya kapag may taping ay tulog na ang anak sa tuwing uuwi siya ng bahay. Gusto man daw nyang kargahin ang bata ay hindi puwede itong gambalain sa pagtulog at sa paggising na lang the following day na niya manlalaro ito. Ganiyan ang routine ngayon ni Mike bilang ulirang ama.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy