Una sa Balita

Pelikula ni Ariel nilangaw

0 586

Nitong October 2019 lamang ay ibinahagi ng comedian na si Ariel Villasanta ang kanyang kuwento sa pagbuo ng kanyang pelikula na “Kings of Reality Shows” sa Abante. Matagal siyang namahinga sa limelight at ngayon ay nagbalik sa isang pelikulang kanyang pinaghandaan talaga to the point na marami siyang sinugal. Kahit aminado siyang ‘di sigurado kung papatok, pero binuo niya para sa kanyang pangarap.

Sa kanyang paglalarawan sa naturang pelikula, ito aniya ang “first reality movie” na talagang kanyang ipinagmamalaki. Ayon pa sa kanya, dine-dedicate niya ang pelikulang iyon sa kanyang yumaong ina na si Mommy Elvie.

November 27 nang ipalabas sa ilang mga sinehan ang “Kings of Reality Shows”, at sa kasamaang palad, November 29 naman nang ianunsyo niya na wala na sila sa ilang mga sinehan.

“Mga kaibigan, nakakalungkot at may mga hindi nakapanuod dahil konti lang ang sinehan natin, pero masaya na rin ako at nai-share ko sa inyo itong pelikula na ito. Remembrance na namin sa inyo ito! God bless us. Maraming salamat sa suporta niyo!” pahayag ng komedyante.

At nitong Huwebes nga lang ay muli itong nagpahayag ng kanyang damdamin tungkol sa kanyang pelikula.

“Hindi po kumita ang pelikula, pero hindi masusukat ng kinita ang mga naramdaman ng mga taong nakapanood ng pelikula,” ani Ariel. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More