Una sa Balita

Peligrosong mga minahan may ₱724M subsidiya sa gobyerno

By
0 289

SA kabila ng pinsalang dulot ng mga mining at quarrying companies sa kalikasan, binigyan pa sila ng pamahalaan ng subsidiyang umaabot sa P724.1 milyon noong 2016.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga mining at quarrying companies na may 20 empleyado o hi­git pa, halos kalahati ay nagku-quarry ng bato, buhangin o clay.

Sa 130 establisimyento na kasama sa survey ng PSA, 61 ang nagku-quarry ng bato, buhangin o clay. Nasa 31% naman o 40 establisyimento ang nagmimina ng non-ferrous metal ores.

Ang Central Visayas ang may pinakamaraming establisimyento na nasa mining and quarrying na may 20 empleyado at sumunod ang Calabarzon at Caraga.

Nabatid din sa PSA na 18 establisimyento ang nasa mining and quarrying sa Central Visa­yas at tig-17 ang Calabarzon at Caraga. Nasa 15 establisimyento naman sa Central Luzon at 13 sa Mimaropa.

Kinumpirma rin ng PSA na walang mining at quarrying establishment na may 20 emple­yado sa ARMM.

Ang Davao region naman ang may pinakamaraming mangga­gawa na nasa mining and quarrying. Mayroon itong 5,887 manggagawa sa Davao region.

Sumunod dito ang Caraga na may 5,804, pangatlo ang Cordillera na may 5,156.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy