Una sa Balita

Pelicans panira sa pagbabalik ni George

0 370

DINISKARIL ni Jrue ­Holiday at ng New ­Orleans Pelicans ang debut ni Paul George sa Los Angeles Clippers ­Huwebes nang gabi.

Tatlong beses inagawan ni Holiday si George sa final minutes upang mapreserba ng Pelicans ang 132-127 panalo.

Ngayon lang ­nakalaro si George sapul nang pumirma sa ­Clippers ­bilang free agent, nagpagaling muna mula ­shoulder surgery.

Parang hindi ­naman siya kinalawang sa isinumiteng 33 points sa loob ng 24 minutes, pero nagkalat ng turnovers sa dulo.

Tuloy, sapaw siya kay Holiday na may 36 points at 6 steals – may isa pa kay Lou Williams na ninakawan ng bounce pass sa final seconds para selyuhan ang panalo.

Nagdagdag si ­Derric Favors ng 20 points at career-high 20 rebounds, unang 20-20 game ng kanyang 10-year career. May 23 points off the bench si Frank Jackson.

Iniupo ng Clippers si Kawhi Leonard para hindi mabugbog ang nananakit na tuhod. ­Miyerkoles ay naglaro rin si Kawhi sa talo sa ­Houston.
Kumasa ang ­Pelicans kahit out din sina ­starters Brandon Ingram (right knee) at Lonzo Ball (groin).

Idinikit ng 3 ni George ang iskor sa 126-123, 42 seconds pa, pero iniwan ng Clippers si Jackson na open sa kabila, nagawa pa niyang asintahing mabuti ang rim bago kumonekta ng pang-apat niyang 3 at abante muli ng anim ang New Orleans 30 ticks na lang. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy