Una sa Balita

Pekeng titulo ng lupa isinangla

By
0 448

Good afternoon po atty. Claire!

Meron po kc sakin nagsangla ng titulo 120k po sinang­la, 2mos lng po ang usapan hanggang uma­bot na po ng 5mos. Pero wala pong linaw ang mga sagot kya nagduda po ako kung totoo ang titulo. Nagpunta po ako Register of Deeds para i-check ang titulo, ang sabi sa akin ay hindi  pa raw po original title ang hawak ko kasi for reconstitution pa daw po… ano po ang laban ko?… may value po ba yung hawak kong titulo. Ano po ang maaaring laban ko?… I mean may chance pa po bang makuha ko ang pera dahil kukunin at kukunin pa rin nila sa akin yung titulo o pwdeng paba­yaan na lng nila sa akin yung titulong hawak ko at magdeclare sila na nawala ung titulo at magpagawa ng bago… sana po ay masagot nyo po ang tanong ko. Marami pong salamat!. Mabuhay po kyo!
Salamat po,
Mariel

Mariel,
Base sa kuwento mo ay mukhang ang hawak mo na titulo ay tunay at hindi peke. Ang ta­nging problema ay walang kopya ang Register of Deeds ng titulo dahil sa maaaring nasunog ang opisina nito, nabaha ,etc. dahil pag sinabi na for reconstitution ay ang nawawalang kopya ay ang kopya ng Register of Deeds at hindi ang owner’s duplicate copy na hawak ng may-ari katulad ng hawak mo ngayon na isinanla sa iyo.

 Hindi naman sinabi ng Register of Deeds na peke ang hawak mo kaya iyan ay may value at hindi dapat na mangamba.
Puntahan mo ulit ang Register of Deeds at ipa-register mo ang kasunduan ng sanglaan para mailagay at mai record nila sa kanilang opisina upang hindi na ito basta maibenta ng may-ari sa iba dahil kapag nag-inquire sa Register of Deeds ay lala­bas ang record tungkol sa inyong sang­laan. Kapag nairegister o nairecord sa Register of Deeds ang sanglaan ay hindi na nila kayang magsabi na lost title ito.

Kung ipapalabas naman ng may-ari na lost title ang kanilang titulo ay maaari silang mademanda ng perjury dahil sa pagsisinunga­ling. Bago pa man sila makapagpagawa ng bagong kopya ng titulo ay dadaan iyan sa korte at lilitisin pa at kaila­ngan na maipa dyaryo o ma-publish ang Petition nila o maipost sa mga assigned public places.  At kung makakuha man sila ng titulo ngunit sa bandang huli naman ay  lalabas na nasa iyo ang tunay na titulo at hindi nawawala ay maaari mo naman mapawalang bisa ang bagong naipalabas o na-issue na titulo pabor sa kanila.
   
  Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy