Una sa Balita

Pekeng Portuguese arestado sa NAIA

0 306

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang Guinea national na nagpakilalang Portuguese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City dahil sa paggamit diumano nito ng pekeng pasaporte papasok sa bansa.

Kinilala ang dayuhan na si Fatoumata Tanou Diallo, 38-anyos­ at naaresto ng BI Travel­ Control and Enforcement Unit (TCEU) sa NAIA Terminal 1 dakong alas-kuwatro Martes ng hapon.

Gamit ang Portuguese passport, tinangka umano ni Diallo na pumasok sa bansa sakay ng flight ng AirAsia.

Sa inspeksyon, napansin ng immigration na hindi tugma ang mukha ni Diallo niya sa larawan na dala nitong pasaporte. Nang masusi pang siyasatin, nakuha sa kanya ang Republic de Guinee passport.

Ang kanyang tunay na pagkakakilanlan ay natuklasan kalaunan nang isuko ni Diallo ang kanyang pasaporte na Republique De Guinee. (Armida Rico/Mina Aquino/ Otto
Osorio)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More