Una sa Balita

Pekeng pampaganda, pampaputi ibinabala ng FDA

0 551

PINAG-IINGAT ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa paggamit ng pampaganda at pampaputing produkto makaraang magkasunod na salakayin ang dalawang establisimyento sa Antipolo City at Matina, Davao City na nakumpiskahan ng libo-libong halaga ng pekeng produkto.

Ayon kay FDA Dir. General Nela Charade Puno, unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang dalawang sangay ng Misumi Direct Sales sa No. 25, Maya Ave., Okinari Bldg., Merville Park Subd., San Roque, Antipolo City na pag-aari ng isang Donnah Mae Martinez-Miranda.

Kabilang sa mga kinumpiskang pekeng produkto ay ang Bihaku Aha Blue Booster with Blueberry Fruit Extract, Skin whitening products, Bihaku Whitening lotion, Seoul Beauty Pore-Fect Powder Infuse with Snail 30ml.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa rules and regulation ng FDA si Martinez dahil sa pag-o-ope­rate nito nang iligal na walang license to operate (LTO) at certificate of product registration (CPR) mula sa FDA.

Sinalakay din ng mga tauhan ng FDA ang Misumi Direct Sales na makikita sa 2nd floor, Vastland Bldg., McArthur Highway cor. Topaz St., Matina, Davao City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy