Una sa Balita

Pekeng Meralco collector kalaboso sa pangingikil

By
0 490

INARESTO ng mga pulis ang isang lalaking nagpapanggap na service collector ng Meralco matapos mabuking ng isang supervisor ng na­sabing kompanya ang ginagawang panloloko ng suspek sa Barangay Tañong, Marikina City, Martes nang umaga.

Batay sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director Sr. Supt. Bernabe Balba, nakilala ang suspek na si Michael Baylon, 45-anyos, dating event bouncer at residente ng Mahinhin St., Barangay St. Joseph, San Juan City.

Inaresto si Baylon ng mga tauhan ng Marikina Police Community Precinct 2 sa pangunguna ni Senior Inspector Mauro Gerero bandang alas-8:30 Martes nang umaga sa 23 Gen. Julian St, Barangay Tañong.

Nahuli ang suspek matapos bigyan ng disconnection notice ang pamilya ni Fedencio Atu­tubo II, sub-contractor lineman supervisor ng Meralco.

Hinihingan umano sila ng P3,868 para sa disconnection charges pero nakatunog si Atutubo na pekeng kolektor ito kaya ipinahuli ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy