Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pekeng mass surrenderee sa Bulacan pinaiimbestigahan

0 71

PINASISIYASAT ng Makabayan bloc sa Kamara ang sinasabing pagsuko ng mga taong nagpanggap na mga miyembro ng Bayan Muna at Kadamay kapalit ng pera at ayuda.

Sa House Resolution 1754, hiniling ng anim na progresibong mambabatas sa House Committee on Human Rights na magsagawa ng kaukulang pagdinig.

Noong Abril 30, napaulat ang pagsuko ng 224 katao na mga miyembro umano ng Bayan Muna at Kadamay sa isang Oath of Allegiance ceremony sa San Jose del Monte, Bulacan, kung saan sinasabing nired-tag ang dalawang grupo.

Kinondena ng Kadamay ang seremonya at sinabi na hindi nila miyembro ang mga pinalalabas na sumuko. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.