Una sa Balita

Pekeng gov’t engineer, silat sa NBI

By
0 3

Bumagsak sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  isang lalaking nagpapanggap na engineer na nakatangay ng  malaking halaga sa isang negosyante kaugnay sa  mga pekeng government projects  sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ipinrisinta sa mga mamahayag ng NBI-Anti-Fraud Division (AFD) ang suspek na si Carlito Sugan Manuel,  nagpakilalang agent ng mga goverment projects  at engineer, na dinakip sa isang establisuyemento  sa Malate, Maynila noong Agosto 18  nang makipagkita sa complainant (na hindi nagpabanggit ng pangalan) may-ari ng mga pinarerentahang heavy equipments na nakabase sa Davao City.

Sa reklamo sa NBI ng biktima, nakuhanan umano siya ng halagang P.4 milyon ng suspek bukod pa sa huling P79,000 dahilan para humingi na siya ng tulong sa NBI.

Nabatid na nagkakilala umano ang biktima at si Manuel sa pamamagitan ng common friend at hinimok na pasukin ang construction company bukod sa kaniyang heavy equipments rental dahil marami umano ang nakalinyang proyekto ang gobyerno na makukuha nila kabilang ang 10 school building sa Mindanao na pinondohan umano ng P45-milyon bawat isa.

Isa pang proyektong public market  umano ang sinabi ng suspek na nakuha  niya dahil sa kanyang koneksiyon sa Tuao, Cagayan at sa tuwa ng complainant ay sumama siya sa pagpunta sa Maynila noong nakalipas na Hulyo 19.

Sanhi nang nagdududa na personal na inalam ng biktima ang sitwasyon sa Tuao, Cagayan at nakausap si Mayor Francisco Mamba na nagsabing walang ganung proyekto sa kaniyang bayan.

Sasampahan ng kasong paglabag Article 315 ng Revised Penal Code (RPC) o Estafa  ang suspek na nakapiit sa NBI detention facility.