Una sa Balita

Pekeng empleyado ng BFP kalaboso

0 281

PINAG-IINGAT ng Cavite Police ang mga residente ng Tanza, Cavite hinggil sa modus operandi ng isang nagpapakilalang konektado umano sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nahuli sa Tanza, Cavite.

Kulong si Cherry Grace De Leon at nahaharap sa kasong estafa na sinampa ni Mark Anthony Cabaddu, negos­yante ng Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.

Hinihikayat umano ng suspek ang mabibiktima na kumuha ng fire extinguisher na isa umanong requirement sa business pemit sa halagang P2,750.
Nagpapakilala rin itong konektado sa BFP at nag-iisyu ng pekeng resibo na may tatak na BFP at mga sticker.

Gayunman, kapag nakapagbayad na at nakapag-isyu na ng resibo ay hindi na ito bumabalik upang magdala ng fire extinguisher.

Iniulat ni Cabaddu ang modus ni De Leon na nagresulta para mahuli ito, alas-kuwatro kamakalawa nang hapon sa Carissa Homes, Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.

“May apat na siyang nabiktima na pawang naisyuhan ng resibo at nananawagan pa kami sa mga nabiktima nito na dumulog sa pulisya para nagsampa ng reklamo laban sa suspek,” ayon sa Tanza Police. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy